Yassi Pressman, litaw ang kaseksihan sa upcoming horror movie

featured-image

Ayon kay Yassi Pressman, matinding takot ang naranasan niya sa kanyang unang horror movie na Isolated.

Punong-puno ng papuri ang direktor na si Benedict Mique kay Yassi Pressman, na lead actress ng upcoming horror movie na Isolated.Sa ginanap na media conference ng pelikula nitong Martes, April 8, sinabi ni Direk Benedict na mahusay na dinala ni Yassi ang pelilkula kasama ang isa pa nitong bida, ang seasoned actor na si Joel Torre.“When we were viewing the rushes, nung editing na, makikita mo si Yassi kineri niya ang pelikula from start to finish.

'Tapos, si Tito Joel naman, yung sophistication naman ang makikita. Ang hirap. Noong pinapanood ko nga, parang kami ang nahihirapan kay Yassi, e.



Ang hirap magdala ng horror, nakakaubos ng energy, physically exhausting,” kuwento ng direktor.Sa kabila raw nito, litaw na litaw pa rin ang kagandahan at kaseksihan ng aktres.“Kapag tiningnan ninyo lahat ng horror leading ladies, they keep the sexiness and beauty.

Magaganda sila, e. Kasi, yun ang attraction ng horror, e, yung sex appeal.”Pabirong dagdag pa ng direktor, “Actually, iniwasan namin ng konti kasi baka maka-distract sa acting at sa kuwento.

Ang sexy ni Yassi ngayon, e." View this post on Instagram A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) Kaugnay nito, sinabi ni Yassi na talagang pinaghandaan niya ang kanyang character sa Isolated, na kanyang first horror movie.“Alam n'yo po, ako na ang nagpe-prepare ng halos lahat ng pagkain, ha, kaya sobrang healthy ko na talaga ngayon,”pabirong hirit ni Yassi nang tanungin tungkol dito.

Patuloy niya, “Nakakahiya. Pero wala, e, hindi naman ako doon naka-focus. Ako, pinaghandaan ko po talaga 'yung role, pinaghandaan ko 'yung character, pinaghandaan ko 'yung journey niya at 'yun lang din ang focus ko.

Kaya, direk, thank you po kung may ganun talaga.“Talagang I prepared for this character's look. Siyempre, lahat close up kaya you have to be fit, you have to be physically ready sa lahat po ng mga takbuhan.

Basta maraming physical na nangyari dito kaya hindi pwede na hindi ako handa.”Related Gallery: Yassi Pressman is our fitspiration for summer First and last horror movie?Samantala, tinanong ng GMANetwork.com kung uulit pa ba si Yassi sa paggawa ng horror film.

“Sa totoo lang po, sabi ko, first and last,” sagot ng Black Rider actress.“Gagawin ko lang talaga ito to challenge myself pero hindi ko na talaga uulitin. Nagsha-shower po ako ng isa lang 'yung [nakadilat] 'yung mata.

Ayaw ko po nung paghugas mo ng mukha, pagtingin mo sa salamin may nasa likod mo. Umuuwi ako nang ganyan. So sabi ko, baka hindi ko na siya ulitin.

”Agad naman daw itong nagbago lalo na nang nag-enjoy na siya sa kanyang ginampanang karakter na si Rose.Paglalahad ni Yassi, “Sa totoo lang po, kahit nahirapan po ako, nagkakaroon po ako ng dreams after, in a way tumapang din ako bilang matatakutin na baby girl. Kaya nag-enjoy po talaga ako, so baka ulitin ko ulit.

Sobra po talaga akong nag-enjoy. It's such a different challenge sa rom-com. Feeling ko rin, ako bilang actress, this character is very, very different from everything I've ever done before.

”Pagkatapos gawin ang Isolated, kinailangan daw ng aktres na ang magpagpag upang mawala ang takot.“Nagpahinga po talaga, nag-detox po talaga. Nahilig po talaga ako dun sa parang center yourself, relax, as in retreat na parang come back to who I am.

“Tanggal na po 'yung character, tanggal na po 'yung lugar sa isip ko. Uwi po muna sa CamSur. At saka 'yung elements na nakikita po rito sa pelikula, maraming klase na nai-stuck po isip ko, so lahat 'yun kailangan po munang i-let go,” pagtatapos.

Bukod kay Joel, makakasama rin ni Yassi sa pelikula sina Candy Pangilinan, Wilbert Ross, Yayo Aguila, Gwen Garci, at Denise Esteban.Ipalalabas ang Isolated sa mga sinehan simula April 30..