Isa si Kapuso actor Yasser Marta sa bagong cast members ng action-drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.Gumaganap siya rito bilang Goryo, lalaking naka-engkwentro ng bidang si Lolong, played by primetime action Ruru Madrid, sa unang mga araw niya sa siyudad."Siya 'yung siga ng Maynila.
Kumbaga siya 'yung lider, lider ng grupo dito sa Maynila. Makakaaway ko talaga si Ruru, si Lolong. Abangan nila kasi hindi lang masamang tao si Goryo, mayroon din siyang kabutihan sa kaibuturan ng kanyang puso," paglalarawan ni Yasser sa kanyang karakter.
Ito rin daw ang unagn pagkakataon niyang gumawa ng intense action scene lalo na at mas sanay siya sa drama."Sobrang thankful ako sa mga stunt coach natin. Kasi ako, hindi naman ako bihasa sa action pero sila, sobrang ginuide nila ako.
Talagang nakita ko 'yung effort nila na gusto talaga nila akong matuto," aniya.KILALANIN ANG IBA PANG MGA BAGONG TAUHAN NG 'LOLONG: PANGIL NG MAYNILA' DITO: Tuluy-tuloy ang dating ng blessings para kay Yasser dahil naging bahagi siya ng Lolong: Pangil ng Maynila, matapos ang hit kilig-serye na My Ilonggo Girl.Masaya siya sa sunud-sunod na trabaho dahil nagpapagawa siya ng family home nila sa Antipolo.
"May bubong na, may tiles na. Konti na lang, makakapunta tayo doon. Malapit na, siguro mga nasa 70% na 'yung bahay," lahad niya sa progreso nito.
"Sa farm talaga siya, as in parang countryside na mga bahay. 'Yung tatay ko kasi, siya na 'yung architect din. Kasi architect siya sa ibang bansa, siya nag-design.
Bungalow na malawak lang, parang retirement home din ni mama at papa ko. May dalawang libong puno ng mangga doon na nakapalibot sa [bahay] so 'pag pumasok ka, ang ganda talaga," dagdag ni Yasser.Panoorin ang buong interview ni Yasser: Samantala, patuloy na panoorin si Yasser Marta bilang siga na si Goryo sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.
m. sa GMA Prime.May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.
m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream..
Entertainment
Yasser Marta, first time gumawa ng intense action scenes

First time gumawa ni Yasser Marta ng pangmalakasang action scenes sa 'Lolong: Pangil ng Maynila.'