Winner ang summer sa back-to-back panalo sa 'Family Feud'

featured-image

Balikan ang pagkakapanalo ng The Boss Babes at The Singsations ng PhP 200,000 sa 'Family Feud!'

Winner ang summer at winner din ang dalawang teams na nakapag-uwi ng PhP 200,000 sa Family Feud!Sa April 7 at April 8 episodes ng Kapuso family game show ay nananalo ng jackpot prize ang The Boss Babes at The Singsations.Magkakasama sa The Boss Babes ang Kapuso actress na si Max Collins, Sparkle GMA artist Sandy Riccio, director and entrepreneur Janina Manipol, at ang celebrity vocal coach na si Jade Riccio. Sa Fast Money Round nakakuha sila ng total of 228 points.

Ang The Singsations ay kinabibilangan ng The Clash Season 3 Grand Champion Jessica Villarubin, The Clash Season 6 Grand Champion Naya Ambi, singer-songwriter and viral sensation Renee Dominique, at talented newcomer na si Meghan Dionisio. Sila naman ay nakakuha ng total of 235 sa Fast Money Round. Napili ng The Boss Babes ang Autism Society Philippines.



Samantala, napili naman ng The Singsations na charity ang GMA Kapuso Foundation.Ang dalawang teams na nagwagi sa Family Feud nitong Lunes at Martes ay nakapaguwi ng PhP200,000 jackpot prize. Sila rin ay nakapagbigay ng cash prize sa kanilang mga chosen charity.

Balikan ang kanilang winning moment sa Family Feud: Abangan ang "Winner ang Summer" episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network.

Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000..