Will Ashley at Bianca De Vera, open ba sa bagong collaboration project?

featured-image

Balikan ang nakakakilig na interview nina Will Ashley at Bianca De Vera rito.

Nitong mga nakakaraang linggo ay binalot ng kilig ang avid viewers ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition dahil sa umuusbong na relasyon nina Will Ashley at Bianca De Vera.Matatandaang unang nagkatrabaho ang dalawa sa collaboration project ng GMA Network at ABS-CBN noong 2023 na Unbreak My Heart, kung saan gumanap sila bilang sina Jerry at Gwen.Ayon naman sa interview nina Will at Ashley, na binansagan ngayon bilang WillCa, sa Fast Talk With Boy Abunda noong 2023, hindi raw imposibleng masundan pa ito ng bagong proyekto.

Tanong ni Tito Boy, “Paano ang inyong love team after Unbreak My Heart dahil you (Bianca) are with ABS-CBN and you (Will) are a homegrown talent of GMA 7 -- how is that going to be?”“Ito nga pong collaboration na ito, hindi naging imposible, e. So posible pa rin po na masundan 'to,” posibleng sagot naman ni Will.Ayon pa sa dalawa ay naging strong na rin ang bond nila noon sa set na unti-unti na ring nakikita sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ngayon.



Ani Bianca sa nasabing Fast Talk with Boy Abunda interview, “I think at the end of the day, other than being friends or workmates, talagang we formed a truly-bonded friendship.”Dahil din sa matatag na pagsasamang nabuo ng dalawa sa set ng Unbreak My Heart, mayroon din silang confessions sa isa't isa.“Kung may iko-confess kayo sa isa't isa, ano ito?” tanong ni Tito Boy.

Mensahe ni Will kay Bianca, “Masaya akong nakatrabaho ka and marami akong natutuhan sa 'yo. Looking forward sa mga next pa na gagawin natin.”“I'm proud of you, and I'm always rooting for you.

I'll always be on the sideline cheering for you,” sagot naman ni Bianca.Samantala, mapapanood pa rin sina Will at Bianca sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition weekdays 10:00 p.m.

at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.

com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.PANOORIN ANG KANILANG 'FAST TALK WITH BOY ABUNDA' INTERVIEW RITO:.