Trans child ni Lea Salonga na si Nic Chien, inihalad kung papaano siya tinanggap ng kaniyang mga magulang

Ibinahagi nina Lea Salonga at kaniyang anak na trans na si Nic Chien ang tungkol sa "emosyonal" na karanasan tungkol sa pagtuklas sa sarili at pagiging isang magulang.

featured-image

Ibinahagi nina Lea Salonga at kaniyang anak na trans na si Nic Chien ang tungkol sa "emosyonal" na karanasan tungkol sa pagtuklas sa sarili at pagiging isang magulang. Itinampok ang mag-ina sa US magazine na People, na tinawag ang Broadway star bilang "a fierce ally to her trans child." Ayon sa artikulo, nakasaad na "natuklasan" ni Nic, anak nina Lea at Robert Chien, na isa siyang "transmasculine" sa edad na 14.

Sinimulan niyang uminom ng testosterone nitong Enero. "I am still figuring it out. It took a while.



A lot of crying," saad ni Nic. Idinagdag pa niya na nagkaroon siya ng pakikipag-usap sa kaniyang mga magulang, at sinabing "very accepting" ang kaniyang ama't ina kaya hindi siya natatakot na magbukas sa mga ito. "She (Lea) just didn't want my life to be as hard as it would be," patuloy ni Nic.

BASAHIN: PBB housemate na si Klarisse de Guzman, isiniwalat na bisexual siya at may girlfriend Ayon pa kay Nic, emosyonal ang proseso sa kaniyang transisyon pero iyon ang "the most ideal situation for me." Inilahad naman ni Lea na natutuhan niya na, "you have to raise your child the way your child needs to be raised," at sinabi pang para ito sa lahat ng anak. "As a parent, I want to set my child up for success.

I want my child to feel safe and strong and ready to conquer the world on their own terms," paliwanag niya. "You have to meet your kid where they are," dagdag ni Lea. Nakatakdang mapanood sina Lea at Nic sa Manila staging ng Broadway musical na "Into the Woods.

" Dito matutupad ni Nic ang kaniyang pangarap na gumanap bilang lalaki sa karakter ni "Jack." Gaganap naman si Lea sa role na The Witch, na ginampanan niya rin noong 1994 sa Singapore production noong 23-anyos pa lang siya. Magbubukas ang telon para sa "Into the Woods" sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati sa August 7.

— FRJ, GMA Integrated News.