Tina Paner, puno ng papuri kay Mikee Quintos sa 'SLAY': 'She's a very happy person'

featured-image

Ano-ano kaya ang mga katangiang nagustuhan ni Tina Paner sa 'SLAY' lead actress na si Mikee Quintos? Alamin dito.

Masaya ang seasoned actress na si Tina Paner na nakatrabaho si Mikee Quintos sa murder mystery series na SLAY.Sa SLAY, napapanood si Tina bilang Lourdes, ang mabait at clingy na ina ni Sugar, na ginagampanan naman ni Mikee.Sa exclusive interview ng GMANetwork.

com, sinabi ni Tina ang ilang mga katangiang nagustuhan niya kay Mikee."Napakabait na bata. She's very down to earth," pagpuri ni Tina kay Mikee.



"She's a very happy person. 'Yung talagang walang dull moment kahit na alam mong, 'Uy, anong oras na ba?' Pero wala kang makikita sa kanya na napapagod siya. Kapag work, work," dagdag niya.

Bukod kay Mikee, bilib din si Tina sa husay ng SLAY stars na sina Gabbi Garcia, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose, na unang beses niyang nakatrabaho sa isang serye."Magagaling na mga bata, and very professional. Talagang pagdating sa set alam na nila 'yung linya nila.

Alam na nila kung ano ang gagawin, so hindi ka mahihirapan. Ikaw na lang ang mahihiya kung hindi mo sila masasabayan," ani aktres.Abangan si Tina Paner bilang Lourdes sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.

m. sa GMA Prime.SAMANTALA, MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO:.