NANGAKO ng buong suporta ang Spikers’ Turf at si Tournament Director Mozzy Ravena sa 21st FIVB (International Volleyball Federation) Men’s Volleyball World Championship 2025 makaraan ang matagumpay na 7th ST 2024 na natuklas ng maraming paangat na mahuhusay na manlalaro sa Open at Invitational Conferences. Giniit ng opisyal ng men’s volleyball league na lumipat na ngayon ang liga sa pagsaklolo sa Philippine National Volleyball Federation at Alas Pilipinas squad, na magho-host at sasabak sa susunod na taong FIVB Men’s Worlds na nakatakda sa Sept. 12-28.
Makalipas nina Bryan Bagunas ng Cignal at Marck Jesus Espejo ng Criss Cross na dinomina ang season-opening conference, si Jude Garcia naman ang kuminang sa Open Conference sa pagwawagi ng unang Most Valuable Player award. Nagpakitang husay rin sina Francis Saura at Rash Nursiddik ng D’Navigators, Peter Quiel ng PGJC-Navy, at Cian Silang ng Cignal na inako ang mas mabigat na responsibilidad sa HD Spikers. Kahit wala sina Bagunas at Espejo sa Invitationals, nanatiling kapana-panabik ito, kung saan ipinagpatuloy ni Garcia ang dominanteng sabak patungo sa ikalawang sunod na MVP.
Isang bagong grupo ng sumisikat na talento rin ang lumitaw, kabilang sina Louie Ramirez (Cignal), Gian Glorioso (Criss Cross), Sherwin Caritativo (Savouge), Giles Torres (Savouge), CJ Segui (VNS), at Dryx Saavedra (FEU-DN Steel). Namumukod-tangi si Ramirez na sa gitna nang nagbalasang Cignal pinangunahan pa rin ito sa ikawalong sunod na kampeonato at nakuha ang prestihiyosong Finals MVP. “Even if it’s a short one, I think it’s very successful kasi marami na naman tayong players na nakita like si (Louie) Ramirez, MVP of the Final, it’s just so much fun and alam mo ‘yung men’s game kasi medyo different siya doon sa women’s,” esplika ni Ravena.
Umasenso si Glorioso sa kawalan ng beteranong si Kim Malabunga, na nagka-freak injury ilang minuto bago ang kanilang debut saka nakabalik sa torneo. Epektibo agad ang dating Ateneo Blue Eagle at kalaunan sinungkit ang unang Best Middle Blocker award. Pinangunahan Caritativo ang Spin Doctors sa bronze finish at inangkin ang 2nd Best Outside Spiker.
Ang kanyang kakamping si Torres giniit ang puwersa sa net, na nakabangon sa isang mapaghamong stint kasama ang HD Spikers upang maging isa sa mga Best Middle Blocker ng liga. Si Segui ang isa sa mga bright spot para sa bata pero maangas na Griffins, habang pinagpatuloy ni Saavedra ang pagbangon pagkataraan ng titulo sa V-League Men’s Collegiate Challenge. “May sarili rin siyang audience and as you can see, dumadami na rin and I’m so happy.
‘Yung aura lang ng boys, ‘yung Criss Cross natalo sila today but you can see them ano lang, bawi lang kaagad. It’s really generally a happy occasion for everyone,” panapos na sey ni Ravena. (Lito Oredo).
Top
Spikers’ Turf aayudahan ang 21st FIVB Men’s Worlds 2025
Mozzy Ravena, Spikers Turf babakas sa 21st FIVB Men’s Volleyball World Championship 2025.The post Spikers’ Turf aayudahan ang 21st FIVB Men’s Worlds 2025 first appeared on Abante Tonite.