Sa unang araw nina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat sa loob ng Bahay ni Kuya bilang bagong housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, sinalubong agad ito ng mga maiinit na katanungan para sa inihandang press conference ng mga housemates.Ipinakita ni Shuvee ang kaniyang pagmamahal at dedikasyon sa kaniyang pamilya nang maitanong ni Mika Salamanca kung ano silang klaseng anak o kapatid."As an anak, I'm the breadwinner of the family, so I take pride in that.
Siguro masasabi ko na I am very loving as an anak kasi I do everything for them," sagot ni Shuvee.Mas lumalim naman ang usapan nang mabanggit ni Esnyr ang mga ginawa nilang sakripisyo para sa kanilang mga pamilya.Ikinuwento ni Shuvee na pinangarap niya maging doctor simula noong bata pa siya.
Ngunit, mas inuna niya ang magsakripisyo para sa kaniyang pamilya.Paliwanag nito, "It's just that kailangan ko laang talagang piliin yung career kung gusto kong makatulong ng mas mabilisan sa family ko. I'd rather sacrifice that childhood dream of mine.
"Medyo gumaan naman ang usapan at natuwang sagutin ni Shuvee ang tanong ni Emilio Daez kung ano yung paboritong memorya niya sa kaniyang pamilya."Kaya ko ng dalhin from the island, so kailangan naming mag-travel from the island going sa city para mai-spoil ang kapatid at ang parents ko," ikinuwento ni Shuvee.Malungkot naman na sinagot ni Shuvee kung ano ang relasyon niya sa kaniyang ama, na itinanong ni Bianca De Vera, "Kasi he has a strong personality, so hindi mo siya pwedeng kausapin agad-agad kasi baka masuntok ka, 'day.
So, ako I am very scared of him."Habang siya ay lumalaki, sabi ni Shuvee na na-realize niya na hindi talaga ito nagpaka-ama sa kaniya dahil siya ang halos nagta-trabaho para sa kanilang pamilya.Maliban sa usapang pamilya, ibinahagi rin ng mga housemates ang kanilang pananaw sa buhay.
"One value I feel like I should always have is my faith. Kasi I know all the things are happening because of Him and I trust His plans," sagot ni Shuvee sa tanong ni Dustin Yu kung ano ang pinahahalagahan nila sa kanilang buhay.Sa huling katanungan ni Klarisse De Guzman tungkol sa kanilang pangarap para sa pamilya at para sa kanilang sarili, simple lang ang hinahangad ni Shuvee.
"Siguro ako to have a house that feels like home. Kasi ayun talaga, simple lang, gusto ko talagang magkaroon ng sariling bahay. Kung hindi ko man siya magawa for my family, I hope I could build that to my future family," sabi ng aktres.
Panoorin dito: Simulang pumasok sa loob ng PBB sina Shuvee at Xyriel nitong Linggo, April 13.Si Shuvee ang bagong Kapuso housemate na kinilala bilang "Ang Island Ate ng Cebu." Samantalang, si Xyriel naman ang bagong Kapamilya housemate na binansagan naman bilang "Ang Golden Anaktres ng Rizal.
"Huwag palampasin ang mga susunod na ganap ng mga bagong housemates at iba pang mga pasabog sa loob ng Bahay ni Kuya.Mapapanood ang pinag-uusapang programa, weekdays 10:00 p.m.
at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.
com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.
com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.Samantala, tingnan dito ang morena beauty ni Shuvee Etrata:.
Entertainment
Shuvee Etrata, inalala ang mga sakripisyo para sa pamilya

Shuvee Etrata: "I'm the breadwinner of the family."