Habang ginugunita ng Pilipinas at Simbahang Katoliko ang Kuwaresma, naghanda ang GMA-7 ng mga programa na magbibigay ng inspirasyon at aantig sa ating mga puso sa parating na Maundy Thursday (April 17), Good Friday (April 18), at Black Saturday (April 19).Narito ang mga programang matutunghayan sa GMA-7 ngayong Good Friday.Panoorin ang kuwento ng isang pambihirang babae na nakahanap ng kapatawaran dahil sa kanyang pananampalataya sa Magdalena, 6:00 a.
m.Huwag ding palampasin ang Power To Unite with Elvira, isang internationally-acclaimed religious program, hosted by Papal Pro Ecclesia awardee Elvira Yap Go, 7:30 a.m.
Susundan ito ng back to back animated specials nas Joseph: King of Dreams, 8:00 a.m. at Sherlock Gnomes, 9:00 a.
m.Para naman sa mahilig sa mga aso, huwag palampasin ang Firehouse Dog, starring Josh Hutcherson, 10:30 a.m.
Magnilay at gunitain ang seven last words ni Hesus sa Siete Palabras, 12:00 p.m.Ibabahagi naman ni Aiai delas Alas ang naging impluwensiya ng nanay niya sa kanyang buhay at career sa My Mother, My Story: Aiai delas Alas, 2:00 p.
m.Ma-inspire sa kuwento ng buhay ni Jesus mula sa pananaw ng mga taong nakasalamuha niya tulad ng mga apostol, disipulo, at maging ng mga ordinaryong tao sa The Chosen, 3:00 p.m.
Puno ng inspirasyon ang kuwento ng pagsubok at pananampalataya sa Tanikala: Preso, 5:30 p.m.Nagpapatuloy naman ang paghahatid ng GMA Network ng "serbisyong totoo" sa flagship news program na 24 Oras, 6:30 p.
m.Tunghayan ang kuwento ng isang pamilyang Pilipino sa Family Matters, 7:30 p.m.
Abangan din ang real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, pati na ang musika ng Pinoy indie-folk band na Ben&Ben sa LSS, 9:30 p.m.Kilalanin naman ang isang master clock repairman at isa sa mga pinakamalaking kolektor ng antique timepieces sa bansa sa documentary ni Howie Severino na i-Witness: Sa Mga Kamay ng Oras, 11:15 p.
m.Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Maundy Thursday dito.Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Black Saturday dito.
Magbabalik naman ang regular programming sa Easter Sunday, April 20.Have a blessed Holy Week, mga Kapuso!.
Entertainment
SCHEDULE: GMA-7's Good Friday Programming (April 18, 2025)

Narito ang listahan ng mga programa ng GMA-7 para sa Good Friday, April 18, 2025.