Sanya Lopez, proud sa dedikasyon ng new-gen Sang'gres: 'Focus talaga'

featured-image

Ano kaya ang napansin ni Sanya Lopez sa new generation Sang'gres na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian? Alamin dito.

Proud si Sanya Lopez sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia, na papasahan nila ng mga brilyante.Sa interview ng 24 Oras, ikinuwento ni Sanya ang napansin sa mga bagong bibida sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre."Nakikita talaga namin 'yung dedication nila when it comes to work, kung paano sila sa taping.

Na-appreciate namin 'yung focus talaga 'yung bawat isa sa kanila, 'yung talagang kilala nila 'yung karakter nila," sabi ni Sanya.Sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, magbabalik si Sanya bilang Danaya, ang ina ni Terra (Bianca Umali), na magiging bagong tagapagmana ng Brilyante ng Lupa.Ayon kay Sanya, ramdam niya ang pagiging ina kay Bianca sa taping.



Kuwento niya, "Kay Bianca naman kasi ang kagandahan sa kanya, pinapa-feel niya rin sa 'yo na you're my mom."And, ako rin pagdating doon sa set kapag ready na, kailangan naming ma-feel 'yung vibe na ako 'yung mommy niya, ikaw 'yung anak ko."Ibinahagi rin ni Sanya na pinanood ng new-gen Sang'gres na sina Bianca, Kelvin, Faith, at Angel ang Encantadia 2016.

"Pinanood nila 'yung 2016. Kailangan nilang aralin because kami kasi 'yung parents 'di ba."Noong April 4, marami ang na-excite sa inilabas na teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan ipinasilip ang pagbabalik nina Sanya bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, Glaiza De Castro bilang Pirena, at Gabbi Garcia bilang Alena.

"Marami pa 'yan, tutok lang. Simula pa lang 'yan. Pasilip lang 'yan," excited na sabi ni Sanya.

Panoorin ang teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito: SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE TEASER SA GALLERY NA ITO:.