'Samahan Ng Mga Makasalanan' premiere night, sa April 10 na!

featured-image

Abangan ang cast ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan' sa kanilang premiere night sa April 10!

Malapit na malapit nang makilala ng mga manonood ang mga makasalanan ng Samahan Ng Mga Makasalanan.Ngayong Huwebes ay gaganapin na ang kaabang-abang na premiere night ng satirical comedy film na Samahan Ng Mga Makasalanan.Sa darating na April 10, magsasama-sama ang mga hinahangaang aktor at aktres na bibida sa Samahan Ng Mga Makasalanan.

Ayon sa GMA Pictures, "Ito na ang nai-imagine mong sakses -- step by the step! Masasabi mo talagang, “Wow, makakasama ko na si Jisas! Wow, ang ganda pala ng langit, ganun! Sumapi na sa Samahan ngayong Huwebes, April 10, sa Gateway Mall 2 Cinema 11! Kita-kits!" View this post on Instagram A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)Ang Samahan Ng Mga Makasalanan ay gaganapin sa April 10 sa Gateway Mall 2 Cinema 11. Ang red carpet ng Samahan Ng Mga Makasalanan ay gaganapin ng 6:00 P.M.



Mapapanood sa Samahan Ng Mga Makasalanan si David Licauco bilang Reverend Sam. Kasama rin sa pelikula sina Sanya Lopez at Joel Torre na gaganap naman bilang Mila at Father Danny.RELATED GALLERY: Behind the scenes of 'Samahan Ng Mga Makasalanan' Kabilang rin sa aabangang cast ng pelikula sina Soliman Cruz, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, at David Shouder.

Samantala, mapapanood din sa Samahan Ng Mga Makasalanan sina Chanty Videla, Liana Mae, Shernan Gaite, Tito Abdul, Tito Marsy, Christian Singson, Yian Gabriel, Batmanunulat, at Euwenn Mikaell.Ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Direk Benedict Mique at isinulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.Abangan ang Samahan Ng Mga Makasalanan premiere night sa April 10.

Magbubukas ang Samahan Ng Mga Makasalanan sa April 19 in cinemas nationwide.SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN MEDIA CONFERENCE:.