Ruru Madrid, nagre-rehab na para sa kanyang injury

featured-image

Sa kabila ng kanyang injury, tuloy lang ang trabaho ni Ruru Madrid sa 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Lalong lumalaki ang cast ng primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.Ikinagagalak ng bida ng serye na si primetime action hero Ruru Madrid ang patuloy na paglaki ng pamilya ng Lolong."Pinakikinggan lang rin naman po natin ang gusto po ng mga manononood.

I'm just very grateful na pumayag po sila na maging parte po nitong Lolong," pahayag ni Ruru.Isa sa mga bagong dagdag sa cast ay si ex-PBB housemate Ashley Ortega na bahagya nang napanood dito bilang special agent na si Tony.Ngayon naman, mare-reunite siya sa ka-duo niya sa Bahay ni Kuya.



"I'm happy to announce na isa po sa makakasama po natin dito sa Lolong: Pangil ng Maynila si Miss AC Bonifacio," lahad ni Ruru.PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HEREMasaya rin si Ruru na bumubuti na ang kalagayan ng kanyang hita matapos ma-injure."Nagre-rehab na ko sa bahay.

May mga ilang exercises na 'kong ginagawa. Nakakapagtrabaho pa rin tayo. Nakakagawa pa rin tayo ng mga bagay na minamahal natin," bahagi ang aktor.

Patuloy na tutukan ang Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

.