
Isinugod sa ospital si primetime action hero Ruru Madrid sa gitna ng taping ng action-drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.Bumigay na kasi ang kanyang binti sa gitna ng isang eksena at kumpirmadong nagtamo si Ruru Madrid ng injury sa kanyang hamstring.Kasalukuyang hinihintay pa ni Ruru ang resulta ng tests para matukoy kung gaano kalaki o kalubha ang tinamo niyang injury.
Ibinahagi ng aktor ang ilang kuha niya mula sa ospital sa isang post sa Instagram."Life has a way of testing you when you least expect it. Kahapon, habang nagte-taping para sa Lolong, I was giving it my all--full speed--then suddenly, pop.
Alam kong may mali. My leg gave out, and I couldn't continue. Got rushed to the hospital, and the doctor confirmed I pulled my hamstring.
Dumaan ako sa MRI, and bukas malalaman ko ang results--hoping and praying na hindi ito Grade 3 strain, which means a full tear that could take weeks or even months to recover," sulat niya.Para kay Ruru, isang malaking pagsubok ang injury na ito lalo na't marami pa siyang mga eksena na dapat kunan para sa susunod na episodes ng Lolong: Pangil ng Maynila."Masakit? Oo.
Pero mas masakit 'yung pakiramdam na kailangan kong huminto. All I could think about was my team, the scenes we still have to finish, and how much I wanted to push through. But that's the reality of doing action--sometimes, your body reminds you that you're only human," aniya.
Gayunpaman, hindi raw siya mawawalan ng loob. Matatandaang nagkaroon na rin ng injury si Ruru sa unang season ng Lolong, pati na sa seryeng Black Rider."Pero hindi ako titigil dito.
Challenges like this don't break me--they build me. This is just a pause, not the end. Every setback is a setup for a stronger comeback.
I will rise from this--wiser, tougher, and more unstoppable than ever," pagpapatuloy niya.Lubos ang pasasalamat niya sa lahat ng nag-aalala at nagpadala ng mensahe sa kanya. Bukod dito, sobrang grateful siya sa suporta at pag-aalaga ng gilfriend at kapwa Kapuso star na si Bianca Umali.
"To everyone checking in, maraming salamat. And to Mahal @bianxa --salamat dahil hindi mo ako iniwan sa oras na 'to. Your presence, love, and support mean everything to me.
And to everyone who's been by my side--Sir Jay, Ate Jana, Sam, Anton, and Ate Nielsen--maraming salamat. I appreciate you all," lahad niya.Hindi rin kinalimutan ni Ruru na magdasal at magpasalamat sa Diyos dahil ligtas pa rin siya sa kabila ng panibagong pagsubok na ito.
"Despite everything, I will forever be grateful to God. His plans are always greater than mine, and I trust in His timing and purpose. To God be the glory," dagdag niya sa caption ng kanyang post.
Ipinangako din ni Ruru na mas pagbubutihin pa ang trabaho kapag nakabalik na siya dito."This is just part of the journey. And trust me, I'm coming back stronger.
See you soon," pagtatapos ng caption niya. View this post on Instagram A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8) Ilang mga celebrity friends ni Ruru ang nag-iwan ng supportive messages sa kayang post.Kabilang dito ang Lolong: Pangil ng Maynila co-stars niyang sina Paul Salas, Rodjun Cruz, Bernadette Alysson, Rocco Nacino, at Bryce Eusebio.
Nag-comment din sa kanyang post sina Allan K, Lexi Gonzales, Max Collins, Chynna Ortaleza, showbiz writer Noel Ferrer, Black Rider costars na sina Raymart Santiago at Matteo Guidicelli, celebrity stylist John Paul Dizon, director Mark Reyes, celebrity talent manager Popoy Caritativo, at marami pang iba.Patuloy na panoorin si Ruru Madrid sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m.
sa GMA Prime.May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m.
at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream..