Rodjun Cruz, bilib sa husay ni Ashley Sarmiento sa 'MAKA' Stalker episode

featured-image

Nagkatrabaho sina Rodjun Cruz at Ashley Sarmiento sa "Stalker" episode ng 'MAKA Season 2.' Papuri ni Rodjun sa aktres: "Proud of you, Ash! Galing mo!"

Pinuri ni Rodjun Cruz ang husay ni Ashley Sarmiento sa "Stalker" episode ng MAKA Season 2 na napanood noong Sabado, April 12.Binigyang spotlight si Ashley para sa ikalabing-isang episode ng MAKA Season 2 kung saan nagkaroon ng special guest appearance si Rodjun Cruz kasama si Thea Tolentino. Sa loob lamang ng isang-araw, agad na nakakuha ng mahigit 10 million views online ang episode na ito.

Intense ang mga eksenang napanood sa MAKA Season 2 episode 11 kung saan muntik nang malagay sa peligro ang buhay ni Ashley dahil sa kanyang stalker na si Tonio (Rodjun).Sa isang Instagram post, ipinakita ni Ashley ang ilang behind-the-scenes mula sa set ng MAKA, at ang eksena kasama si Rodjun. View this post on Instagram A post shared by Ashley Sarmiento (@ashleysarmiento__) Nag-iwan ng komento si Rodjun sa post na ito ni Ashley, "Proud of you, Ash! Galing mo!"Nagpasalamat naman si Ashley sa aktor, "@rodjuncruz thank you po hehe! So fun working [with] you po.



"Panoorin ang MAKA Season 2 episode 11 sa video na ito: Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, TINGNAN ANG KILIG PHOTOS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO:.