Robb Guinto, naloko ng ex; naghanap ng bagong makaka-date

featured-image

Alamin kung sino ang makaka-date ng sexy actress na si Robb Guinto.

Si Robb Guinto ang latest kiligspector na naghanap ng makaka-date sa "Love Under Cover" ng TiktoClock.Bago simulan ang segment na "Love Under Cover," nabanggit ni Tiktoclock host Faith da Silva na four years nang single si Robb. Sa huling relasyon niya, raw si Robb ng kaniyang ex-boyfriend at ipinagpalit sa kaniyang kaibigan.

Para naman mahuli ang kiliti ng kiligspector of the day na si Robb, nagbigay siya ng payo sa apat na cover boys na sumali sa "Love Under Cover." Saad ni Robb, "Galingan niyo magpatawa dahil gusto ko 'yung lalaking funny."Pagkatapos ng ilang rounds ng pagsilip at pagkapa sa Love Under Cover, napili ni Robb ang cover boy number four.



Ayon kay Robb, napili niya sa number four dahil sa kaniyang mga sagot."Natutuwa ako sa mga sagot mo, pakiramdam ko kahit hindi pa kita nakikita pakiramdam ko safe na safe ako sa'yo."Balikan ang nakakakilig na "Love Under Cover" dito: Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni Robb, sali na sa "Love Under Cover" sa TiktoClock.

Panoorin ito para sa kabuuang detalye. Patuloy na subaybayan ang April Full na hatid ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network..