Prinsesa ng City Jail: Sharlene, nakalaya na sa kulungan kahit sinabotahe ni Divina

featured-image

Nakalaya na si Sharlene (Beauty Gonzalez) sa pagkakakulong pero hindi pa dito natatapos ang problema nilang mag-asawa.

Sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, nakalaya na si Sharlene (Beauty Gonzalez) kahit tinangka ni Divina (Denise Laurel) na pigilan ito.Nagpadala kasi ng testimoniya si Leilani (Ayen Munji Laurel) na hindi si Sharlene ang nagtangkang pumatay sa kanya kaya pinayagan siyang makapag-piyansa.Sa loob ng kulungan, may binayarang tao si Divina para patayin si Sharlene pero buti na lang ay may nagtanggol sa kanyang kapwa preso.

Nakalaya na si Sharlene mula sa pagkakakulong pero hindi pa rin tapos ang problema nila ng asawa niyang si Raymond (Dominic Ochoa).Nagseselos kasi si Sharlene sa pagiging malapit ni Raymond kay Divina, samantalang nagseselos naman si Raymond sa abogado ni Sharlene na si Adrian (Adrian Alandy).Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.



m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream..