Mapupuno ng kilig vibes ang Sunday night n'yo dahil makakasama natin ang real-life sweethearts na sina Prince Clemente at Althea Ablan sa The Boobay and Tekla Show. Abangan ang exclusive na kuwentuhan tungkol sa kanilang love story na tiyak na maghahatid ng saya at kilig sa mga manonood.Susubakan naman ng comedy duo na sina Boobay at Tekla na i-recreate ang iba't ibang poses nina Prince at Althea sa kanilang travel photos.
Magtagumpay kaya ang hosts?Sasabak din ang celebrity couple sa nakatutuwang word game na "Guess What" kung saan makakalaban nila sina Boobay at Tekla.Samantala, mapapanood din ngayong Linggo ang prank segment na "Na-TBATS Ka!"Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m.
, sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa oras na 11:05 p.m.
sa GTV.SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA PRINCE CLEMENTE AT ALTHEA ABLAN SA GALLERY NA ITO..
Entertainment
Prince Clemente at Althea Ablan, magpapakilig sa 'The Boobay and Tekla Show'

Abangan ang real-life Kapuso couple na sina Prince Clemente at Althea Ablan sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo.