'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' housemates, sasabak sa second nomination night

featured-image

Abangan ngayon Linggo ang mga kaganapan sa second nomination night sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

Matapos ang kauna-unahang eviction night sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, nakatakda nang sumalang sa ikalawang nominasyon ang celebrity housemates.Magaganap na pangalawang nominasyon sa teleserye ng totoong buhay ngayong darating na Linggo, April 6.Sinu-sino kaya sa Kapuso o Sparkle stars at Kapamilya o Star Magic artists ang nominado?Matatandaang sa nakaraang episode nito, ipinakilala na ni Big Brother ang bagong celebrity housemates na sina Emilio Daez at Vince Maristela.

Samantala, narito ang current list ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition duo housemates para sa nominasyon:Dustin Yu (Sparkle) at Brent Manalo (Star Magic)Will Ashley (Sparkle) at Klarisse De Guzman (Star Magic)Charlie Fleming (Sparkle) at Kira Balinger (Star Magic)Mika Salamanca (Sparkle) at Bianca De Vera (Star Magic)AZ Martinez (Sparkle) at Ralph De Leon (Star Magic)Michael Sager (Sparkle) at River Joseph (Star Magic)Josh Ford (Sparkle) at Esnyr (Star Magic)Here's how viewers can cast their votes on 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m.



at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.

com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.

com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN..