PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos “WHY should I do that?” ‘Yan ang naging tanong ni Pangulong Bongbong Marcos matapos siyang hamunin ng dating executive secretary na si Victor Rodriguez na sumailalim sa hair follicle drug test . Ibinatay kasi ni Rodriguez ang kanyang panawagan sa constitutional principle na ang “public office is a public trust.” Imee Marcos walang natanggap na imbitasyon sa pa-dinner ni PBBM Sofronio ipinatawag sa Malacañang, naghandog ng favorite songs ni PBBM Bongbong Marcos sa mga Pinoy: Tangkilikin ang kuwentong Pilipino Tinanggihan ito ng presidente at sinabing walang kinalaman ang nasabing drug test sa tinutukoy ng dating government official.
“No, no. Why should I do that? What is a public trust, public office, or public? It has nothing to do with a follicle test. Please.
Wala namang koneksyon ‘yung sinasabi niya,” sey ni Marcos matapos tanungin sa isang ambush interview sa Pasay City, base sa ulat ng INQUIRER. Baka Bet Mo: Imee Marcos walang natanggap na imbitasyon sa pa-dinner ni PBBM Ani pa ng pangulo, “He’s always had that weakness every time he was still working for me. If you believe in what he was saying, why did he work for me?” Ayon sa internet, ang hair follicle drug test ay isang pagsusuri na gumagamit ng hibla ng buhok upang matukoy kung may presensya ng ilegal na droga o iba pang substance sa katawan ng isang tao sa nakalipas na 90 araw.
Mas mahaba ang detection period nito kumpara sa urine test at hindi madaling dayain. Kung maaalala noong Abril ng nakaraang taon, hinimok din ni Rodriguez si Marcos na sumailalim sa follicle test sa gitna ng mga alegasyon na ang huli ay gumagamit ng droga. Nitong Enero lamang nang inakusahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dati pang drug addict si Marcos.
“Drug addict then and a drug addict now as president,” bahaging wika pa niya. Nabanggit din ni Duterte na minsan nang nakasama umano ang pangulo sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Bago ‘yan, nagpasaring na si Duterte during the 2022 presidential campaign na may isa sa mga kandidata ang umano’y gumagamit ng ilegal na droga.
Subscribe to our daily newsletter By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy . Matapos ang pahayag na ‘yan ng dating pangulo ay naglabas si Marcos ng isang medical certificate na nagpapatunay na walang bakas ng drug abuse mula sa kanyang ginawang examination.
.
Entertainment
PBBM matapos hamunin ng ‘hair follicle’ drug test: Why should I do that?
“WHY should I do that?” ‘Yan ang naging tanong ni Pangulong Bongbong Marcos matapos siyang hamunin ng dating executive secretary na si Victor Rodriguez na sumailalim sa hair follicle drug test. Ibinatay kasi ni Rodriguez ang kanyang panawagan sa constitutional principle na ang “public office is a public trust.” Tinanggihan ito ng presidente at sinabing