PBB housemate na si Ashley Ortega, bumisita na sa kanilang bahay?

featured-image

PBB housemate na si Ashley Ortega matapos lumabas ng Bahay ni Kuya: “Pumunta ako sa bahay, nag-iwan ako ng flowers...”

Isa sa sinusubaybayan ng viewers at netizens kay Ashley Ortega ay ang pakikipag-ayos niya sa kaniyang mommy, na matagal na niyang hindi nakakasama.Matatandaang noong nasa loob siya ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, naging usap-usapan ang kasalukuyang status ng relasyon nila ng kaniyang ina. RELATED CONTENT: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' Matapos lumabas sa iconic house mula sa unang eviction night ng bagong season, isang mahalagang bagay ang ginawa si Ashley.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Sparkle star, ibinunyag niyang bumisita siya sa kanilang bahay na hindi niya nagawa sa loob ng mahabang panahon.Pahayag niya, “Nung kakalabas ko lang sa Bahay ni Kuya, I really wanted to go to her right away.



Pumunta ako sa bahay, nag-iwan ako ng flowers doon pero wala kasi siya nung time na 'yun.”Ayon pa kay Ashley, sa ngayon ay chill muna sila ng kaniyang ina patungkol dito.“We're still taking things slow.

Dadating naman tayo sa time na 'yun na mag-uusap at magkikita kami,” pagpapatuloy niya.Sa previous episodes ng teleserye ng totoong buhay, natunghayan ng viewers ang nakaaantig na pakikipag-usap ni Ashley sa kaniyang mommy sa pamamagitan ng picture nito na ipinakita sa kaniya ni Kuya at ng former houseguest at Pinoy Big Brother host na si Gabbi Garcia.Marami ang talaga namang humanga sa Sparkle star sa ipinakita nitong pagmamahal sa kaniyang magulang sa kabila ng ilang hindi nila pagkakaintindihan.

Samantala, nakilala si Ashley Ortega sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Independent Tis-ice Princess ng San Juan.Ang kaniyang ka-duo bago siya ma-evict sa Bahay ni Kuya ay ang Star Magic artist na si AC Bonifacio.Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.

m. at weekends, 6:15 p.m.

, sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN..