Mag-iisang linggo na sa outside world ang first evicted duo ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, sina Ashley Ortega at AC Bonifacio.Matatandaang naging emosyonal ang paglabas ng dalawa mula sa Bahay ni Kuya noong March 29. Lalo na si AC, ang Dedicated Showstopper ng Canada, na hindi mapigilang humagulgol nang ianunsyo ang kanilang eviction.
Sa kanyang pagbisita sa morning show na Unang Hirit, ibinahagi ni AC ang mabigat na emosyon na kanyang naramdaman noong gabing iyon.Inamin niya, "I'm still in the process of healing, accepting, and just missing the housemates."Dagdag pa ni AC, "After spending three weeks with these people, sobrang bilis ng paalam.
We weren't able to say bye as much as we wanted. Kaya na ano po ako na parang hindi ako naka-hug dito, I wasn't able to say my message to this person. Parang alam ko na talaga na baka last na 'yung paalam ko sa kanila.
"Ibinahagi rin ni AC na marami siyang nami-miss sa loob ng PBB house, lalo na ang mga nakasama niya sa tinatawag nilang “little book club.”"I really do truly miss all of the housemates. But if I would have to pick, my little book club.
Kasi iyon nga po 'yung wala kaming form entertainment so we just read," aniya."Always me, Charlie (Fleming), Kira (Balinger), Josh, and AZ (Martinez). Kami lang 'yung out of nowhere, it wasn't purposely formed or anything, na-realize lang namin na whenever we go outside, kami 'yung laging magkasama po with a book.
"Isa rin sa mga pinahahalagahan ni AC ay ang naging closure nila ni Bianca De Vera bago siya tuluyang lumabas ng bahay."I wanted to fix it na agad para wala na po kaming walls. So that we could fully be comfortable and I can say with all of my heart na we became so close, so genuinely close after that," kuwento ni AC.
Kahit nasa outside world na siya, buo pa rin ang suporta ni AC para sa natitirang PBB housemates."Maraming maraming salamat po for all the love and the dislike," mensahe niya sa publiko. "I appreciate it very very much.
Honestly, maraming salamat na may concern po kayo sa akin and I will continue doing my best. I will be a better person, I will take every day as a new chance to be better. Kaya thank you, thank you po.
Please keep supporting the housemates inside of the house, keep loving them the way I love them, watch PBB all the time."Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m.
at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.
com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Bahay ni Kuya sa All-Access Livestream ng programa sa GMANetwork.com Full Episodes.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.Silipin ang stylish outfits ni AC Bonifacio sa gallery na ito:.
Entertainment
PBB housemate AC Bonifacio says she's still in healing process

Kumusta na kaya si AC Bonifacio pagkatapos lumabas ng Bahay ni Kuya? Alamin dito.