
Namatay na si Dr. K (Joem Bascon) pero may panibagong kalaban na dapat paghandaan ang Mga Batang Riles na sina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon) ngayong papasok na ang karakter ni Jackson na ginagampanan ni Paolo Contis.Ayon kay Paolo, physically demanding ang karakter ni Jackson dahil puro maaksyong mga eksena ang kinukunan nila.
"Very challenging role, very physical kasi sobrang action siya, tapos siyempre kailangan mong sumabay kina Kokoy, kina Miguel, kay Bruce kasi masisigla 'yung bata e," saad ni Paolo sa panayam ni Tito Lhar Santiago sa 24 Oras.Dagdag ni Paolo, handa siya sa pagganap ni Jackson dahil matagal na siyang nagsimulang mag-jogging at magbuhat ng weights.Aniya, "I've been running, lifting weights, talagang keeping my self healthy.
So sakto nung dumating 'tong opportunity sa Mga Batang Riles, I was physically prepared."Sa Mga Batang Riles, si Bruce pa lang ang nakakatrabaho ni Paolo dahil "partners-in-crime" ang kanilang mga karakter na sina Matos at Jackson."Very professional na bata, he knows he has a lot to work on, he has a lot to learn, hindi siya nahihiya magtanong," papuri ni Paolo kay Bruce.
Saad naman ni Bruce, "Nung bata ko, lagi kong pinapanood si Kuya Paolo, and ngayon kasama ko siya, hindi lang sa taping, ngayon partners kami dito, partners-in-crime, so very excited."Dahil nasa magkabilang panig sila sa istorya, aminado si Bruce na nami-miss niya na ang kanyang co-stars na sina Miguel, Kokoy, Raheel, at Anton."Kasi 'pag [nasa taping], iba kami ng [location].
Sila nasa main unit, ako nasa extended unit, minsan baliktad, so hindi kami nagkikita. Nami-miss ko 'yung kakulitan sa tent," pagtatapos ni Bruce.Panoorin ang buong report ni Tito Lhar sa 24 Oras:Paano kaya magiging partners-in-crime sina Matos at Jackson? Magiging kakampi niya kaya ito o gagamitin lang nila ang isa't isa?Abangan ang paglabas ni Paolo ngayong gabi, March 14, sa Mga Batang Riles, 8:45 p.
m. sa GMA Prime at Kapuso Stream..