Netizens, na-excite sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre: Bagong yugto' teaser

featured-image

Alamin ang reaksyon ng netizens na excited na mapanood ang 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Ipinalabas na ang bagong teaser ng inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.Kagabi, April 11, ipinakita ng GMA Network ang Encantadia Chronicles: Sang'gre: Bagong Yugto teaser. Ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ay pagbibidahan nina Bianca Umali, Angel Guardian, Faith Da Silva, at Kelvin Miranda.

Saad sa post ng GMA Network, "Silipin ang mahiwagang mundo ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.' Abangan ang kanilang pagdating sa GMA Prime." Ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang pagka-excite sa pagsisimula ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.



Ngayong Sabado (April 12) ng umaga, lagpas 5 million views na ang nakapanood ng bagong teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa Facebook.Narito ang ilan sa mga naging komento ng netizens na excited na sa Encantadia Chronicles: Sang'gre pagkatapos mapanood ang bago nitong teaser:"OMG!! Next level na ito!! Grabe na ito!!! The special effects are so spectacular. The level of this new chapter is just getting better.

Talaga pinaghandaan at pinaghirapan ang lahat na mga nakita ko ngayon. Sobrang talaga akong excited mapanood ito..

. Soon sa GMA.""That is how you make a fantaserye! May we know who made the cgi parts of this show? GMA post prod po ba? Deserve niyo mapansin sa mas pinaganda at pulidong gawa.

More project for you guys. And hopefully maganda rn ang bigayan ng sahod para mas madevelop ung industriya ng ph entertainment. Well done Enca2025 team.

See you when the show airs. Don't let us wait for very long and make sure you are well prepared for the wave of support for the show once it starts. Wag madaliin ang post prod, we can wait.

""Inpernes nag improve pa lalo ang CGI ng GMA!!! Sana consistent kapag pinalabas na tapos yung mga effects at costume nila very realistic na rin. Hindi na tuloy ako makapag hintay.""Wow! Ang ganda! Excited na! Ibang level na talaga ang CGI at special effects.

Very makatototohanan na talaga!" PHOTO SOURCE: FacebookAbangan ang pagsisimula ng ang nalalapit na pagsisimula ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA Prime.SAMANTALA, BALIKAN ANG BEHIND THE SCENES NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE TEASER:.