Mystery thriller na 'Steal,' tampok sa I Heart Movies

featured-image

Kabilang ang mystery thriller na 'Steal' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Excitement and dala ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.Tampok kasi rito ang mystery thriller na Steal na pinagbidahan nina Ella Cruz, Nathalie Hart, Meg Imperial, at Jennifer Lee.Tungkol ito sa grupo ng mga Pinay na nakatira sa Japan na may kanya-kanyang problema sa pera.

Para malutasan ang mga problema nila, susubukan nilang magnakaw mula sa isang mayamang Hapon.Abangan ang Steal, April 11, 8:00 p.m.



sa Pinoy Movie Date. Huwag din palampasin ang romantic comedy na Of All the Things na pinagbidahan nina Regine Velasquez at Aga Muhlach.Gumanap si Regine sa pelikula bilang si Berns, isang fixer ng mga papeles.

Si Aga naman ay si Umboy, ang notaryo na laging pinupuntahan ni Berns.Hindi sang-ayon si Umboy sa trabaho ni Berns pero pinagbibigyan niya ito.May pag-asa bang umusbong ang pag-ibig sa dalawang taong magkasalungat ang ideyolohiya?Abangan ang Of All the Things, April 12, 8:00 p.

m. sa Pinoy Movie Date.Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now.

Available rin ito sa iba pang digital television receivers..