My Mother, My Story: Jillian Ward, Aiai delas Alas, Bea Alonzo, tampok ngayong Holy Week

featured-image

Balikan ang mga nakaaantig na istorya nina Jillian Ward, Aiai delas Alas, at Bea Alonzo sa special airing ng 'My Mother, My Story.'

Sa paggunita ng Semana Santa, isang espesyal na handog ang inihanda ng GMA Network na tiyak na tatagos sa puso ng bawat manonood.Kabilang sa ipapalabas ngayong Mahal na Araw ang mga ilang kuwento mula sa limited talk series na My Mother, My Story.Kasama si Boy Abunda, mapapakinggan muli ang tatlong madamdamin at makabuluhang istorya tungkol sa mga sakripisyo, emosyon, aral, at pangarap ng Kapuso stars sa kanilang buhay.

Malalim na tatalakayin din ng tatlong celebrities kung paano sila hinubog at minahal ng kanilang mga ina.Sa Huwebes Santo (April 17), matutunghayan ang madamdaming istorya ng Star of the New Gen na si Jillian Ward. Ikukuwento ng Sparkle star ang kanyang untold story tungkol sa kanyang ina na si Jennifer Ward.



Babalikan din nito ang mga pagsubok at pangarap na kanyang hinarap bilang isang child star.Sa Biyernes Santo (April 18), mapapakinggan ang emotional story ng Concert Comedy Queen na si Aiai delas Alas. Babalikan dito ang mga makabagbag-damdaming rebelasyon ng komedyante tungkol sa kanyang dalawang ina: ang kanyang biological mother na si Gloria Hernandez at ang kanyang adoptive mother na si Justa delas Alas.

Mula sa kanyang paglaki hanggang sa pagiging nanay ng kanyang sariling mga anak, ikukuwento ni Aiai ang isang istorya ng pagmamahal at emosyon na tumatak sa Kapuso viewers, pati na kay Boy Abunda mismo.Sasabayan naman sa Sabado de Gloria (April 19) ang untold story ng Kapuso actress na si Bea Alonzo. Ibabahagi niya ang mga nakaaantig na rebelasyon tungkol sa kanyang karera, mga pagsubok sa buhay, at ang relasyon sa kanyang ina na si Mary Anne Ranollo.

Mas makikilala ng mga manonood ang Kapuso star mula sa kanyang mga kwentong heartbreaks at kung paano niya ito hinarap sa tulong ng kanyang ina.Subaybayan ang madamdaming kwento nina Jillian Ward, Aiai delas Alas, at Bea Alonzo sa My Mother, My Story ngayong Semana Santa. 1:30 p.

m. sa Huwebes (April 17) habang 2 p.m.

sa Biyernes (April 18) at Sabado (April 19), sa GMA.Maaari rin balikan ang full episodes ng programa sa sa GMA Network website at social media pages.Panoorin at pakinggan ang mensahe ni Boy Abunda sa 'My Mother, My Story,' dito.

.