Mapapakinggan na ang original soundtrack ng hit Afternoon Prime series na Mommy Dearest na “Patuloy Lang” at “Tahan Na” sa Spotify, Youtube Music, at iba pang digital music platforms worldwide.Mayroong apat na tracks ang EP ng Mommy Dearest. Ang “Patuloy Lang” na inawit ni Jessica Villarubin at sinulat ni Simon L.
Tan, at ang lullabye na “Tahan Na” na inawit naman ni Kapuso star Katrina Halili at sinulat ni Rina May L. Mercado. Kasama rin sa naturang EP ang backing tracks ng dalawang awitin.
Samantala, meron nang 55,000 views ang official music video ng “Patuloy Lang” sa Youtube channel ng GMA Network. Sa comments, ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa kanta at sa mismong music video nito. Isang netizen pa ang naglarawan sa kanta bilang isang “heartfelt soundtrack.
” Una namang napakinggan ang “Tahan Na” nang awitin ito ni Emma, ang karakter ni Katrina sa serye, para sa namayapa nitong anak na si Kayla. Kalaunan ay naging comfort song na rin niya ito para kay Mookie, na ginagampanan naman ni Shayne Sava.Abangan ang Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.
m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.BALIKAN ANG PAGPAPASAYA NG ILAN SA MOMMY DEAREST CAST SA ISANG MANILA MALL SHOW SA GALLERY NA ITO:.
Entertainment
'Mommy Dearest' OSTs 'Patuloy Lang' and 'Tahan Na,' now available for streaming

Mapapakinggan na ang original sound tracks ng 'Mommy Dearest na 'Patuloy Lang' at 'Tahan Na.'