Naging usap-usapan sa social media kamakailan lang ang Sparkle star na si Mika Salamanca, na kasalukuyang housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.Naging topic ng viewers at netizens ang pagkakuha ni Mika ng pinakamababang score mula sa naging botohan sa hindi umano nagpapakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya.Kasunod nito, inimbitahan siya ni Kuya sa confession room upang kausapin.
Sa seryosong pakikipag-usap ni Mika kay Big Brother, ibinunyag niyang siya ay na-diagnose ng depression at anxiety na ngayon lang niya ibinahagi sa publiko.Pahayag niya, “Natatakot ako na i-open sarili ko sa lahat. Diagnosed po kasi ako, Kuya, ng depression and anxiety.
”Matapos itong malaman ni Kuya, nagbigay siya ng mahalagang mensahe para sa Kapuso housemate.“Mika, andito ako bilang Kuya mo, para makinig sa'yo,” sabi ni Big Brother.Si Mika ay kilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Controversial Cababe-len ng Pampanga.
”Related gallery: Mika Salamanca's photos that scream summer Ang kasalukuyan ka-duo ni Mika sa loob ng Bahay ni Kuya ay si Bianca, ang Sassy Unica Hija ng Taguig.Huwag palampasin ang non-stop na mga sorpresa sa bagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN.Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.
m. at weekends, 6:15 p.m.
, sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.Related gallery: Ivana Alawi, inilarawan ang housemates bago lumabas ng 'Pinoy Big Brother' house.
Entertainment
Mika Salamanca opens up about suffering from depression and anxiety

Inamin ni Mika Salamanca na hirap siyang i-open ang buhay niya sa 'PBB' housemates dahil sa depression at anxiety.