Pinag-uusapan ngayon sa social media ang video ni Michelle Dee, kung saan napanood ang pagsali niya sa fans ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition habang nagpi-picture sila sa harap ng Bahay ni Kuya.Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Sa video, unang makikita na masayang ibinida ni Michelle ang iconic house habang siya ay nasa loob ng isang sasakyan na saktong malapit sa iconic house.Sigaw ng beauty queen pagbukas ng car window, “Kuya balik na ako.
”Pagkatapos nito, mabilis siyang bumaba ng sasakyan at sumali sa group picture ng ilang fans at mga nasa labas ng Bahay ni Kuya.Bago bumalik sa sasakyan, game na game din siyang nagpakuha ng picture sa isang motorcycle rider.Sulat ng Sparkle star sa caption ng kaniyang social media post, “Miss ko na bahay mo Kuya, sorry naaaaa!!!”Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 3.
2 million views ang makulit na video.@mmd MICHELLE DEE-pinapasok after mag ABSCBN BALL & ASAP 🥹 miss ko na bahay mo kuya sorry naaaaa!!!! #pbb #michelledee #mmd #asap #fyp #REYNA @Pinoy Big Brother #CapCut ♬ REYNA - Michelle Dee Matatandaang nakilala si Michelle kamakailan lang sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang houseguest.Isa sa hindi malilimutan ng viewers sa pagpasok niya sa Bahay ni Kuya ay ang pagsisilbi niya bilang inspirasyon ng isa sa housemates na si Klarisse De Guzman sa pag-amin ng huli na siya isang bisexual gaya ni Michelle.
Ang Miss Universe Philippines 2023 ay pumasok sa iconic house noong March 29 at ipinalabas naman ang kaniyang pag-exit dito noong April 5.Anu-ano pa kaya ang mga pasabog na sorpresa ni Big Brother?Abangan 'yan sa pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, mapapanood tuwing weekdays 10:00 p.m.
at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.
com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.
com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN..
Entertainment
Michelle Dee, miss na ang Bahay ni Kuya

Sinorpresa ni Michelle Dee ang fans na nagpi-picture sa harap ng Bahay ni Kuya. Panoorin dito: