Ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate na si Kira Balinger ay ipinanganak noong August 3, 2000 sa Hong Kong ng kanyang Filipinang ina at British na ama. Lumaki si Kira sa UK at nagdesisyong bumalik sa Pilipinas ang kanyang pamilya noong 2010. Isa si Kira Balinger sa Kapamilya artists na napasama bilang housemates sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.
Binigyan siya ng moniker na "Hopeful Belle ng Cavite." Nadiskubre si Kira Balinger ng Star Magic noong 14 years old pa lamang ito habang nasa mall kasama ang kanyang ina. Noong December 2020, pumirma siya ng exclusive contract sa ABS-CBN.
Mas nakilala si Kira Balinger nang mapasama sa 2016 series na The Story of Us kung saan gumanap siya bilang Caitlyn, kapatid ng karakter ni Kim Chiu. Ilan pa sa proyektong ginawa ni Kira Balinger ay Ang sa Iyo ay Akin bilang Hope, Pamilya Ko bilang Lemon, Mars Ravelo's Darna bilang Luna, at How to Spot a Red Flag bilang Cristine. Naging parte rin siya ng pelikulang G! at James, Pat, and Dave.
Nakatambal ni Kira Balinger ang Sang'gre actor na si Kelvin Miranda sa rom-com film na Chances Are, You and I, na kanyang unang lead role sa isang pelikula. Bumida rin si Kira Balinger bilang Erika sa digital miniseries na Beach Bros, kung saan nakasama niya ang kapwa PBB housemate na si Brent Manalo. Bukod sa pag-arte, ilan pa sa talent ni Kira Balinger ay ang pagkanta kung saan gumagawa ito ng song covers at tumutugtog ng gitara.
Marunong din siyang sumayaw kung saan naging parte siya ng project girl group na BFF5 para sa ASAP noong 2017. Isa ring talented painter si Kira Balinger. Ipinapakita ng aktres sa social media ang ilan sa kanyang mga gawa.
Sumasabak din si Kira Balinger sa modeling at pagiging endorser ng ilang beauty products..
Meet 'PBB' housemate Kira Balinger

Marami ang naantig nang ibahagi ng PBB housemate na si Kira Balinger ang nakalulungkot na pinagdaanan niya bilang anak na lumaki mula sa isang broken family.Noong Huwebes (April 10) sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, hindi napigilan ni Kira na maging emosyonal nang sagutin ang tanong ni Kuya kung anong kuwentong pag-ibig ang nagkaroon ng pinakamalaking epekto sa kanyang buhay? Para kay Kira ito ay ang kuwento ng kanyang mga magulang. Sabi niya, "Even though they're not together, they still want to be married for me, and that's a really big thing for me. That's why, I want to do well with everything that I do so that I could give back to them kahit paano." Ayon kay Kira, ang pinakamalaking pangarap niya sa buhay ay ang makumpleto silang pamilya, kasama ang ina at ama. Ikinuwento rin ng Kapamilya aktres ang panahon na-"upset" siya sa kanyang ama dahil sa ginawa nito sa kanyang ina. "That was going behind her back with somebody else. And that was incredibly painful for me as a daughter. I was eleven. Eleven-year-old Kira, she really had to grow up a lot faster. She had to understand what responsibilities were. When that happened, I felt like nanakaw 'yung childhood ko. "Of course, I enjoyed being with my mom pero there's always that voice in the back of your head na, 'Ay wala kang tatay...' Parang sobrang aga na po akong namulat sa mundo. It really changed my perspective on love." Mas kilalanin si Kira Balinger sa gallery na ito: