“Ikaw na ba ang next na makikipag-collab ka Jojo Mendrez?”Ito ang bungad na tanong ng entertainment media kay Martin Escudero sa isang makapanayam matapos ang press conference ng pelikulang Beyond the Call of Duty noong Martes, April 1.Ang tanong ay kaugnay ng kontrobersyal na collaborations ng mga kapwa niya Starstruck alumni na sina Mark Herras at Rainier Castillo sa entrepreneur-singer na si Jojo Mendrez.“Aware ako diyan.
Napapanood ko 'yan,” natatawang sagot ni Martin, na itinanghal na Ultimate Loveteam kasama si Kris Bernal sa season 4 ng reality-based artista seach na StarStruck.Patuloy niya, “Natutuwa ako sa mga kapatid natin kasi nakakabalik sila. Alam n'yo naman parang halos lahat nahihirapang.
.. So, natutuwa ako kina Mark at Rainer dahil nakakabalik sila sa industriya.
Ang importante, tuloy ang buhay.”Sa kanyang parte, aminado si Martin na nag-lie low siya sa pagiging artista bago magsimula ang pandemic.Aniya, “Marami pong dahilan.
Siyempre, gusto ko rin naman palakihin yung personality ko. Maraming aspeto tayo na puwedeng mag-improve, hindi lang naman sa showbiz. Hindi ko na masabi [ang mga detalye].
Kumbaga, marami pa tayong mga ibang bagay na kayang gawin.”Isa sa mga pinagtuunan niya ng pansin nang mawala saglit sa showbiz ang kanilang family business.“Sa awa ng Diyos, yun din yung time na nag-boom yung mga business.
Nakapag-focus ako sa ibang mga bagay kasi hirap din kami sa showbiz noon. Binigyan tayo ni Lord ng ibang path naman,” sabi ni Martin.Ngayon taon, naging sunud-sunod naman ang paggawa ni Martin ng pelikula.
Bago ang Beyond the Call of Duty, naging bahagi rin si Martin ng mga pelikulang Mananambal at In Thy Name.Sabi ni Martin, “Nagpapasalamat ako kasi hindi tayo nakakalimutan ng industriya. Ito naman, isang blessing din sa akin 'to kasi matagal na rin akong di nakakagawa ng character na pulis.
Siyempre, marami tayong kaibigan na pulis. Para naman ma-uplift ang kanilang loob sa kabila ng mga nangyayari ngayon.”Sa huli, ipinangako ni Martin na kahit maging abala siya sa kanyang pribadong buhay, hinding-hindi niya tatalikuran ang pagiging aktor.
“Sa akin kasi, hanggang mamatay ako, artista ako,”pahayag niya.Samantala, tingnan dito ang batchmates ni Martin Escudero sa StarStruck:.
Entertainment
Martin Escudero, nag-react sa collab nina Mark Herras, Rainier Castillo kay Jojo Mendrez

Martin Escudero: “Natutuwa ako sa mga kapatid natin kasi nakakabalik sila.”