Kasing intense ng ikalabing-isang episode ng MAKA Season 2 ang naramdamang suporta mula sa manonood, kung saan agad itong nakakuha ng mahigit 10 million views sa GMA social media platforms sa loob lamang ng isang araw. Sa MAKA Season 2 episode 11 na napanood noong Sabado (April 12), binigyang spotlight ang MAKA barkada na si Ashley (Ashley Sarmiento) na muntik nang malagay sa peligro ang buhay dahil sa kanyang stalker na si Tonio, na ginampanan ni Rodjun Cruz.Napanood din sa episode 11 ang Sparkle actress na si Thea Tolentino, na gumanap na desperadang girlfriend ni Tonio.
Sa kabila ng mga mabibigat na eksena nina Ashley, Rodjun, at Thea, sa huli ay nagbigay kilig sa manonood sina Ashley at Marco, kung saan sinalubong ni Marco ng isang matamis na "I love you" si Ashley nang matagpuan at makaligtas ang huli mula sa kanyang stalker.Panoorin ang MAKA Season 2 episode 11 sa video na ito: Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m.
sa GMA.SAMANTALA, BALIKAN ANG CHILDHOOD PHOTOS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO:.
Entertainment
'MAKA Season 2' episode 11 earns 10 million views in less than 24 hours

Mga Kapuso, maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa MAKA barkada!