Mahiwagang mundo ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre,' silipin!

featured-image

Silipin ang mahiwagang mundo ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' dito.

Tuloy-tuloy na ang excitement sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.Ngayong Biyernes (April 10), makapanindig balahibo ang teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan ipinasilip na ang ilan sa mga nakamamanghang eksenang aabangan sa superserye.Ipinakita na rin close-up shot nina Kylie Padilla bilang Amihan, Glaiza de Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, at Gabbi Garcia bilang Alena.

Kaabang-abang din ang pasilip sa powerful scenes ni Rhian Ramos bilang ang ice queen na si Mitena, ang isinumpang kakambal ni Cassiopea na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia.Bukod sa mahiwagang mundo ng Encantadia, ipinakita rin ang mundo ng mga tao at ang Distrito VI, kung saan ipapanganak si Terra.Ipinasilip na rin ang ilang action scenes ng new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.



Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE TEASER SA GALLERY NA ITO:.