Sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, ginawa ni Kidlat (Miguel Tanfelix) ang lahat para lang muli niyang makasama ang ina niyang si Maying (Diana Zubiri) na ilang taon niyang hindi nakita.Sa ilang taon ay marami ang naniniwala na pumanaw na si Maying sa nangyaring sunog sa Sitio Liwanag. Tinangka pa ni Argus (Jeric Raval) na ilayo ang mag-ina sa isa't isa pero buti na lang ay nandoon si Bayani (Ronnie Ricketts) para tulungan si Kidlat.
Sa huli, napuno ng emosyon si Kidlat nang muli niyang mayakap at makapiling ang inang matagal niyang hindi nakasama. Samantala, tuloy pa rin ang paglaban nina Kulot (Kokoy de Santos) at Dags (Anton Vinzon) sa paglaganap ng pinagbabawal na gamot na patuloy na pinapasok nina Matos (Bruce Roeland) at Jackson (Paolo Contis) sa Pilipinas.Makatakas kaya sina Kulot at Dags ngayong sinunog nina Matos at Jackson ang lugar kung saan sila nakakulong? Ano kaya ang mangyayari ngayong nagkita nang muli si Kidlat at Maying? Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.
m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m.
sa GTV..
Entertainment
Mag-inang Maying at Kidlat, nagkasama nang muli sa 'Mga Batang Riles'

Ginawa ni Kidlat (Miguel Tanfelix) ang lahat para makasamang muli ang kanyang inang si Maying (Diana Zubiri).