Naging emosyonal si Samahan ng mga Makasalanan star Liezel Lopez nang balikan niya ang hinanakit sa mga magulang.Sa pagbisita nila ng co-star na si Chariz Solomon sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, April 14, ibinahagi ni Liezel ang tungkol sa relasyon niya sa kaniyang mga magulang.“Nagtanim ako sa kanila ng galit talaga.
Ayoko magalit pero nagagalit po ako kasi they didn't learn from what happened when they had me,” sabi ng aktres.Hindi na nagbigay pa ng detalye si Liezel tungkol sa nangyari sa kanila ng mga magulang, ngunit sinabi niyang tinutulungan niyang maging mas mabuting mga magulang sila sa kaniyang mga kapatid.“Kung sakaling hindi nila maibigay sa akin at least [bumawi] sila to my brothers.
I know na parang nag-ii-struggle pa rin sila with that,” sabi ng aktres.Mahirap para kay Liezel na aminin sa ibang tao kung bakit malayo ang loob niya sa kaniyang mga magulang lalo na at ayaw naman talaga niyang magalit sa mga ito.Aniya, “I think it's really bad na magtanim ng galit to your parents kasi 'yun nga 'yung sabi nila na pagbalibaligtarin mo man ang mundo, parents mo pa rin sila.
”Sa ngayon, kahit hindi maayos ang relasyon niya sa mga magulang ay pilit pa rin niyang tinutulungan ang mga ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa kaniyang mga kapatid.“Ako po ang nagso-shoulder sa mga kapatid ko para matulungan ko sila. Dahil ganu'n po 'yung dynamics namin, I can only love them from afar.
Which is bad, but I have to accept na we can't really be together kasi hindi nila ako pinakinggan bilang anak,” pahayag ng aktres.BALIKAN ANG ILAN SA DREAMIEST THEMED PHOTOSHOOTS NI LIEZEL SA GALLERY NA ITO:.
Entertainment
Liezel Lopez sa relasyon niya sa mga magulang: 'Nagtanim ako sa kanila ng galit'

Inamin ni Liezel Lopez na may hinanakit siya sa kaniyang mga magulang. Alamin dito ang kuwento.