Lee Joo Sil sa 'Squid Game 2,' pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 80 ang Korean actress na si Lee Joo Sil, na kabilang sa cast ng Netflix series na "Squid Game 2."

featured-image

Pumanaw na sa edad na 80 ang Korean actress na si Lee Joo Sil, na kabilang sa cast ng Netflix series na "Squid Game 2." Sa ulat ng Korean media, inihayag na pumanaw ang veteran actress noong Linggo ng umaga, February 2. Kinumpirma naman ng kaniyang agency na 12340 culture, ang malungkot na balita sa Soompi.

Nakasaad sa bahagi ng pahayag na, "approximately three months ago, actress Lee Joo Shil's health declined and she was diagnosed with stomach cancer after an examination from the hospital." Iniulat naman ng Koreaboo na pumanaw siya habang sumasailalim sa gamutan. "Her funeral will be held at the Shinchon Severance Hospital, with visitation open from February 3.



The final service is scheduled for February 5," dagdag nito. Bukod sa pagganap bilang si Park Mal Soon sa "Squid Game 2," na ina ni Hwang Jun Ho (Wi Ha Joon), naging bahagi rin si Joo Sil ng Korean hit movie na "Train to Busan." — FRJ, GMA Integrated News.