Binalikan ni Kylie Padilla ang kaniyang journey sa iconic GMA series noong 2016 na Encantadia at ibinahagi niya ang mga pagsubok na hinarap niya habang nasa tuktok ng kasikatan.Sa bagong episode ng online talkshow ni BB Gandanghari na BB. talk, naikuwento ng Kapuso actress na ang kaniyang role na si Sang'gre Amihan sa Encantadia ay ang hindi pinakapaborito sa mga Sang'gre noong nagsisimula ang serye.
Nabanggit din niya na si Amihan ang kaniyang huling action role dahil siya ay nabuntis sa pinakauna niyang anak na si Alas Joaquin noong 2017.“I was scared," sagot ni Kylie nang tanungin kung ano ang naging reaksyon niya sa kaniyang unexpected pregnancy.Nagbiro naman si BB na nakakatakot talaga dahil ang kaniyang ama ay si Robin Padilla.
Ngunit, ibinahagi ni aktres, “Actually, hindi siya. Natakot ako kasi may show ako na napakaganda and ang hirap din ng journey kasi when the show started, 'yung Encantadia, I was the most disliked Sang'gre. So, ginamit ko yun as fuel and umokay.
I mean, I became one of the most favorite then 'nung nagbuntis ako so sabi ko parang sayang naman. It is a frustration.”Kaya naman ngayon, nais ni Kylie na makabalik na sa gym ngayong taon para palakasin muli ang kaniyang stamina para makagawa na ulit ng action projects.
Binigyang suporta naman ni BB ang kaniyang pamangkin na bumalik sa action.“I feel like you have so much potential na ayoko namang sabihin na nasayang because of your early marriage but it is what it is. So, you just have to keep doing what you need to do and get there no matter what," sabi ni BB.
Ang anak ni Kylie na si Alas ay anak niya sa dati niyang asawa na si Aljur Abrenica. Naghiwalay sila noong 2021.Tingnan ang mga sweet moments ni Kylie Padilla sa kaniyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo sa gallery na ito:.
Entertainment
Kylie Padilla reflects on 'Encantadia' role; shares frustration with her unexpected pregnancy

Read Kylie Padilla's reflection about her 'Encantadia' role and unexpected pregnancy here.