Tila may bagong achievement sa kaniyang buhay si Klarisse De Guzman kahit nasa loob siya ng Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.Matapos pag-usapan nang pahapyaw tungkol sa revelation ni Klarisse, maraming viewers at netizens ang talaga namang nag-abang tungkol dito nitong Miyerkules, April 2.Nang siya na ang naatasan na magkuwento ng kaniyang buhay, mapapansin na masaya at buong-loob niyang ibinahagi na siya ay bisexual.
Kasunod nito, humarap siya kay Big Brother, na nagtanong kung ano ang dahilan ng biglaan niyang pag-amin sa housemates. Ayon sa kaniya, hirap siyang i-reveal ito noon.Ayon kay Klarisse, ang pagpasok umano ng kapwa niya queer na si Michelle Dee ang naging inspirasyon niya kung bakit matapang niyang ipinakilala ang kaniyang pagkatao sa housemates at sa publiko.
Paglalahad niya, "Ang tagal ko na pong iniisip kung kailan po ang tamang panahon para ikuwento ko po rito sa bahay. And, actually, nung nakita ko po si Michelle Dee, parang naisip ko this is a sign.“Until nung nalaman ko 'yung task, buo na po sa dibdib ko na, I think ito na, this is it at ayun na, nagawa ko.
I'm so proud and I'm so happy of myself that I'm finally out,” dagdag pa ni Star Magic artist.Sa kabilang banda, kinilig at proud si Michelle sa ginawa ni Klarisse at masaya siya na itinuring siyang inspirasyon ng huli.Pahayag ng Miss Universe Philippines 2023, “Besides sa kinilig ako for her, I feel so proud that I'm able to stand as an inspiration and strength to disclose something as big as that.
”Pahabol niya, “Napagdaanan ko po 'yung fear na ang hirap din magpakatotoo nang ganon dahil sa industriya kung nasaan tayo.”Related gallery: Celebrities who are proud members of LGBTQIA+ community Samantala, Klarisse ay binansagan sa teleserye ng totoong buhay bilang Kwelang Soul Diva ng Antipolo, habang si Michelle ay isang houseguest.Ang bago ka-duo ni Klarisse sa loob ng Bahay ni Kuya ay ang former Unbreak My Heart actor at Sparkle star na kilala ngayon bilang Mama's Dreambae ng Cavite na si Will Ashley.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.
m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
.
Entertainment
Klarisse De Guzman, mas lumakas ang loob umaming bisexual dahil kay Michelle Dee

Klarisse De Guzman: “Nung nakita ko po si Michelle Dee parang naisip ko na this is a sign.”