Meet Charlie Fleming, the charming at ang "pinakamakulit" sa Sparkle Teens. Ang 16-year-old na si Charlie ay ipinanganak noong Sept 7, 2008. Kilala rin si Charlie sa nickname na Cece at mula siya sa Cagayan De Oro.
Isa si Charlie sa mga Sparkle Teens na ating tutukan sa talento sa pagkanta at pagsayaw. Si Charlie ay na-discover sa social media app na TikTok. Siya ay 487.
4K followers sa account niyang @char.lng. Ayon kay Charlie, ide-describe niya ang sarili niya as makulit, masunurin, at charming.
Ilan sa paboritong gawin ni Charlie ay baking, wall climbing, skate boarding at arts. Abangan ang mga Kapuso projects ni Charlie soon! Ang 2024 murder mystery drama na 'Widows' War' ang kauna-unahang serye ni Charlie Fleming sa GMA. Napapanood si Charlie Fleming sa 'Widows' War' bilang si Sofia, ang anak nina Galvan (Tonton Gutierrez) at Vivian (Lovely Rivero).
Certified fashionista ang Sparkle star na si Charlie Fleming. Noong 2023 sa GMA Sparkle Spell Halloween Party, nagbihis si Charlie Fleming bilang si Taylor Swift. Simula noon, palagi nang napapansin ng mga tao ang kaniyang pagkahawif sa pop star.
Pinatunayan naman ni Charlie Fleming na isa siya sa may pinakamagagandang mukha sa Sparkle, dahil isa rin siyang model. Naging isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition si Charlie Fleming. Kilala siya bilang "Ang Bubbly Bread Teener ng Cagayan de Oro.
" Inamin ng Sparkle artist na si Charlie Fleming sa loob ng Bahay ni Kuya na nagsimula siyang maging breadwinner ng kanilang pamilya sa murang edad na ngayon siya ay 16. Ang ka-duo ni Charlie Fleming sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bago siya tuluyang lumabas sa Bahay ni Kuya ay ang Kapamilya housemate na si Kira Balinger..
Entertainment
Kilalanin si Charlie Fleming, ang charming star ng Sparkle Teens

Kilalanin natin si Charlie Fleming or Cece, ang pinakamakulit at isa sa charmers ng Sparkle Teens.Si Charlie ay kasalukuyang napapanood sa 2024 murder mystery drama na 'Widows' War.'Narito ang ilang mga detalye tungkol sa Sparkle na si Charlie sa gallery na ito.