
Nagsimula na nitong Sabado ng gabi, Marso 9, 2025, ang pinakahihintay na "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition." Kasabay nito, ipinakilala na ang mga Kapuso at Kapamilya celebrities na pumasok sa bahay ni "Kuya." Ang 15 housemates ay kinabibilangan ng walong Sparkle artists at pito naman ang mula sa Star Magic.
Kilalanin sila sa gallery sa ibaba: Kasama rin sa ipinakilala bilang celebrity house guest si Ivana Alawi. Ang "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" ay isa na namang major collaboration ng GMA Network at ABS-CBN para sa 20th anniversary ng naturang reality show ngayong 2025. Magsisilbing hosts sa programa ang Sparkle artists na sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi, at mga Kapamilya hosts na sina Robi Domingo, Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Kim Chiu, Enchong Dee at Alexa Ilacad.
Mapapanood ang PBB mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Prime sa ganap na 10 p.m. at sa Sabado at Linggo sa ganap na 6:15 p.
m. pagkatapos ng "24 Oras Weekend." — Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News.