Jo Berry, laging tatanawin ang kontribusyon ni Nora Aunor sa kanyang career

featured-image

Masaya si Jo Berry na nakapagpasalamat kay Nora Aunor para sa kontribuyson nito sa kanyang career.

Isa si Kapuso actress Jo Berry sa nagluksa at nakiramay sa pagkamatay ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor.Ilang beses ding naging co-stars ang dalawang aktres. Si Nora ang gumanap bilang nanay ni Jo sa unang seryeng pinagbidahan nito na Onanay.

Ang huling guesting naman ni Ate Guy sa telebisyon ay bilang kliyente ni Jo sa legal-serye na Lilet Matias, Attorney at Law.Ayon kay Jo, lubos niyang ikinalungkot ang pagpanaw ni Nora na itinuring niyang nanay niya sa showbiz.Gayunpaman, masaya siyang nakapagpasalamat siya rito bago ito tuluyang pumanaw.



"Nalungkot ako talaga kasi sinabi ko rin po 'yun sa kanya, na napakalaki ng kontribusyon niya sa career na mayroon ako ngayon," lahad ni Jo.Pumanaw si Nora noong April 16 dahil sa acute respiratory failure.Inilibing naman siya sa Libingan ng Mga Bayani noong April 22 matapos ang state necrological services sa Metropolitan Theater.

Samantala, muling mapapanood si Jo bilang abogadong si Atty. Lilet sa primetime series na Mga Batang Riles."Kaya pala 'di pa ko makabitaw kasi mayroon pa pala," biro ng aktres.

Excited na ang isa sa mga bida ng serye na si Miguel Tanfelix na maging bagong adisyon dito ang karakter ni Jo."'Yung mga taong pinagdadamutan ng karapatan, ng hustisya, siya 'yung magtatanggol. Nandiyan si Atty.

Lilet para ipaglaban kami," pahayag ni Miguel.Happy rin si Jo na ipagpatuloy ang kuwento ni Atty. Lilet na mula sa Lilet Matias, Attorney at Law, na lumabas na rin sa primetime series tulad ng Widows' War at ngayon naman sa Mga Batang Riles.

"Ganoon naman siya lagi 'di ba? Ipinagtatanggol niya 'yung mga nasa tama," sabi ni Jo.Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m.

sa GMA Prime, at 10:30 p.m. sa GTV.

Maaari din itong panoorin online sa Kapuso Stream..