Jillian Ward, gustong pasukin ang mundo ng gaming

featured-image

Ano nga ba ang mga pinagkakaabalahan ni Jillian Ward ngayon?

Inilalaan ni Star of the New Gen Jillian Ward ang kaniyang free time ngayon sa pag-aaral ng bagong skills.Ayon sa 24 Oras report ni Aubrey Carampel ay ine-enjoy ni Jillian ang free time pagkatapos ng kaniyang series na My Ilonggo Girl.Sa interview ay sinabi ng Sparkle star na nais rin niyang subukin ang gaming.

“Ngayon parang gusto ko rin i-explore 'yung mundo ng gaming. Baka bumili rin ako ng bagong PC,” ani Jillian. Bukod dito ay nahihilig din si Jillian sa pagwo-workout at kamakailan lang rin ay nagsimulang mag-aral ng pagtugtog ng piano.



Sa isang TikTok video ay hindi lamang pinarinig ni Jillian ang kanyang talent sa pagkanta ngunit maging ang pag-aaral niya sa pagtugtog sa piano ng kantang “The Only Exception” ng Paramore.“[T]rying to learn the piano haha,” sabi ni Jillian sa caption ng post.@jillianwxrdtrying to learn the piano haha♬ original sound - Jillian Ward RELATED GALLERY: JILLIAN WARD CELEBRATES 20TH BIRTHDAY.