Ipinakilala sina Jhoanna at Stacey ng BINI bilang mga pinakabagong house guests sa Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition!" Ito ang ibinahagi ng BINI nitong Miyerkoles sa social media posts sa kanilang mga opisyal na pages. "Brace yourselves, Big Brother and housemates," caption ng BINI. "Nandito na ang MAH MEHN queens, #bini_jhoanna and #bini_stacey!???????? Lezgooooowww!!" saad pa sa caption.
Nauna nang naging house guests sina Michelle Dee, Gabbi Garcia, Ivana Alawi, Mavy Legaspi, at Kim Ji Soo. Bumisita na rin sa bahay sina Sanya Lopez, Kim Chiu, at Paulo Avelino. Pinaka-unang na-evict sina Ashley Ortega at AC Bonifacio, na sinundan nina Charlie Fleming at Kira Balinger.
--Jamil Santos/FRJ,GMA Integrated News.
Entertainment
Jhoanna at Stacey ng BINI, bagong house guests sa 'PBB: Celebrity Collab Edition'

Ipinakilala sina Jhoanna at Stacey ng BINI bilang mga pinakabagong house guests sa Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition!"