Jeff Moses, nakatanggap ng hindi inaasahang tawag dahil sa dating karelasyon?

featured-image

"Ano payag ka ba kabit ka lang? Kung nasaan ka man susugurin kita," saad daw ng tumawag kay Jeff Moses.

Ikinuwento ni Jeff Moses ang kaniyang naging karanasan sa dating karelasyon.Ibinahagi ito ng Kapuso hunk sa kaniyang pagsabak sa "Love Under Cover" ng TiktoClock. Kuwento ni Jeff, nangyari ito sa kaniyang long-term relationship.

Saad ni Jeff, "Long term relationship 'yun. Mga ilang taon din kami. Then nagulat ako one day, may tumawag sa akin na lalaki na sinasabi, 'Ano payag ka ba kabit ka lang? Kung nasaan ka man susugurin kita.



'"Nang tanungin si Jeff kung ano ang kaniyang reaksyon sa pangyayari, ito ang kaniyang naging sagot."Siyempre speechless ako. Wala akong masabi.

Hindi ko in-expect na 'yun ang mangyayari."Bukod sa kuwentong ito ni Jeff ay naghanap din siya ng makaka-date sa "Love Under Cover". Alamin kung sino ang kaniyang napiling cover girl dito: Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni Jeff, sali na sa "Love Under Cover" sa TiktoClock.

Panoorin ito para sa kabuuang detalye. Patuloy na subaybayan ang April Full na hatid ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network..