Aminado ang Sparkle actor and entrepreneur na si Jak Roberto na hindi naging madali ang pagpapatayo niya ng kaniyang bahay.Matatandaan na noong Marso, ipinasilip niya ang construction update ng kaniyang dream home. Sa panayam kay Jak ng GMANetwork.
com noong Biyernes (April 25), binalikan niya ang mga challenges na na-encounter niya para maitayo lang ito.Sabi niya, “Kung iisa-isahin ko baka bukas tayo matapos dito. Pero ito lang lagi kong sinasabi pagka may bisita ako or 'yung mga ka-close ko 'pag nakaupo na kami roon sa bahay, especially dun sa dining area.
Parang sinasabi ko dati hindi ko alam kung matatapos ba ito. Kasi nagsimula siya, nakita ko from lupa pa lang, 'tapos naging structural na rough finish.”“Tapos ako na talagang nag-out source ng mga bintana, pinto, tiles.
Tapos hindi lang 'yun isipin mo 'pag nagpagawa ka ng bahay, gastos na. Stress pa! Sobrang challenging talaga, but nung natapos 'yung bahay napaka-fruitful talaga.”Pagpapatuloy niya, “Parang hindi ko ma-imagine [at] never ko na-experience na magkaroon ng sariling bahay.
Sabi ko ngayon, mas malaki pa 'yung walk-in closet ko sa mga kuwarto ko na natutulugan before. So, grabeng achievement.”Nagbigay rin ng payo si Jak Roberto sa mga taong nag-iisip pa lang na magpagawa ng bahay.
Binigyan-diin niya na may pros and cons kung hahanap ka ng contractor o ikaw mismo ang mag-a-outsource.Lahad ng Kapuso hunk, “So, payo ko sa mga magpagawa ng bahay. Madaming factors e, ano ba gusto mo, makatipid? Gusto mo ba kaagad matapos 'yung bahay mo?“Or ikaw gusto mo may personal touch talaga, ikaw talagang maging hands-on ka dun.
Kung magpapa-contractor ka talaga wala kang sakit ng ulo, babayad ka lang nang medyo mataas, pero masusunod 'yung timeline kung kailan matatapos ang bahay mo.”“Pero! Kapag ikaw 'yung nag-a-outsource lahat nung materyales and iko-customize mo 'yung bahay mo. Grabe sobrang challenging, kasi ako natuto ako maghanap ng mga materyales thru online.
Pinuntahan ko talaga isa-isa 'yung mga stores. Nakipag-haggle talaga ako sa mga hardware.“Yun naman 'yung masarap at least pagdating mo roon.
Wala kang sisisihin, sarili mo lang. Ako lang ang namili nitong kulay ng tiles na 'to. Ako namili ng kulay ng mga kisame na 'to ganun.
”“Sulit ang pagod, so dun sa mga nagdi-dream na magpatayo ng bahay siyempre isipin mo talaga gastos, pero for me mas naging driven ako. Mas nag-out of the box ako na 'yung takot ko before na baka utang or hindi mabayaran. Pero 'pag natapos 'yun ma-i-inspire ka talaga magtrabaho nang magtrabaho.
Magsumikap, para mabayaran mo 'yung bahay mo and later on tumira ka na dun na parang 'yun na 'yung forever house mo.” View this post on Instagram A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) Malapit nang mapanood si Jak sa GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife, kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion, Kylie Padilla, at Kazel Kinouchi.Pero bago ito, mapapanood naman siya sa Pepito Manaloto: 15th Kuwentoversary.
Guest siya sa two-part summer and anniversary special ng Kapuso sitcom na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes.Panoorin ang pasilip sa naging experience ni Jak sa taping ng special episode na ito ng Pepito Manaloto sa video below! RELATED CONTENT: Celebrities na nagpapagawa ng bahay noong 2024.
Entertainment
Jak Roberto, nasubukan ang diskarte at sipag para matapos ang kanyang dream home

Jak Roberto on building his home: “Parang sinasabi ko dati hindi ko alam kung matatapos ba ito."