Inilahad ni Ivana Alawi na handa siyang sumabak sa frontal nudity sa isang pelikula, kung talagang kinakailangan sa kaniyang role at kung maganda ang script. "Baka sila hindi nila kayanin. Oo.
Kung kailangan, go," sabi ni Ivana sa kaniyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles. "Kung para sa trabaho at maganda naman 'yung script at maganda 'yung story, why not?" pagpapatuloy niya. BASAHIN : Ivana Alawi, iniwan ang marangyang buhay sa Bahrain at niyakap ang simpleng buhay sa Pilipinas Sa kabila ng kaniyang angking kagandahan at kaseksihan, inihayag ni Ivana na dati niyang insecurity ang kaniyang ilong pero itinanggi niyang ipinaretoke niya ito.
"I think na-embrace ko kasi lahat ng insecurity ko. Pero dati 'yung ilong ko po. Kaya nga sinasabi niyo, retoke.
Retoke? Insecurity ko nga ito," sabi niya. Gayunman, wala na raw plano si Ivana na ipaayos pa ang kaniyang ilong. "Hindi na.
Bahala kayo. okay na ako, masaya na ako. Contour-contour na lang 'yan," sabi pa ni Ivana.
-- FRJ, GMA Integrated News.
Entertainment
Ivana Alawi, payag sa frontal nudity sa movie pero may kondisyon

Inilahad ni Ivana Alawi na handa siyang sumabak sa frontal nudity sa isang pelikula, kung talagang kinakailangan sa kaniyang role at kung maganda ang script.