Inalala ni Ivana Alawi ang fondest memories niya sa Kapuso reality-based artista search na StarStruck nang bumisita siya sa programang Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 9.Matatandaan na naging bahagi si Ivana sa sixth season ng nasabing show.Ayon sa sikat na vlogger, itinuturing niyang isang lesson ang pagsali sa StarStruck.
“Ako, siguro po, lahat kasi, isa siyang lesson sa akin. Sure naman ako, alam n'yo naman natanggal agad ako, 'di ba? So, isa siyang lesson sa akin na..
. sanay na kasi ako sa rejection, e. I really took it in a positive way na natanggal man ako, may natutunan naman ako at binaon ko talaga 'yon,” aniya.
Matapos ito ay tinanong ng host na si Boy Abunda si Ivana kung ano ang dala nitong "baon" noong sumali sa StarStruck."Kung babalik tayo sa 2015, noong sumali ka sa StarStruck, ano 'yung baon mo? Sumasayaw ka ba? Umaarte ka ba?" tanong ni Boy.Sagot ni Ivana, "'Yun nga, Tito Boy, hindi ako sumasayaw, hindi ako kumakanta, pero tina-try kong umarte.
Siyempre, parang first ko 'yon at, siyempre, gusto rin ng mama ko talaga. Pero wala talaga akong talent, Tito Boy."Kaya nga sabi ko, 'Sure ka ba?' Kasi lahat sila, napakagaling kumanta, napakagaling sumayaw, magaling umarte.
"Tinanong din ng seasoned talk show host kung ano ang naramdaman ni Ivana nang sabihin na natanggal siya sa StarStruck.Aniya, "Ngumiti pa ako. Alam mo kasi talaga gano'n ako, e.
Hindi siya first rejection. Siguro 'yung first rejection, mas iiyak, mas dadamdamin ko. Pero ayan tingnan mo, parang Miss Universe pa ako d'yan.
"I know there's something better for me. I know that God has a bigger plan for me."Sa kasalukuyan, isa si Ivana sa mga pinakakilalang content creator sa bansa.
Mayroon siyang mahigit 18 million subscribers sa YouTube at nakasama na niya ang iba't ibang celebrities at personalities sa kanyang mga vlog.SAMANTALA, ALAMIN ANG MGA NAIPUNDAR NG SIKAT NA VLOGGERS SA GALLERY NA ITO..
Entertainment
Ivana Alawi, itinuturing na 'lesson' ang pagsali sa 'StarStruck'

Matatandaan na naging bahagi ang social media star at aktres na si Ivana Alawi sa sixth season ng 'StarStruck' noong 2015.