HULA WHO: Comedian, na-ghost ng lalaki matapos ipagpatayo ng bilyaran

featured-image

Umamin ang funny personality kung paano siya magmahal sa isang lalaki. "Sa sobrang kabaliwan ko..."

Iba rin magpakita ng pagmamahal ang isang versatile comedian na tampok sa ating Hula Who!Sa guesting nito sa isang sikat na vodcast kamakailan, napakuwento ang naturang komedyante tungkol sa isang guy kung saan na-fall siya.Umamin ang funny personality na sa sobrang pagkagusto niya, ipinagpatayo niya ng bilyaran ang naturang lalaki.Ang kaso, nauwi sa ghosting ang mga sumunod na pangyayari.

Paano na-ghost ang magaling na comedian?Silipin ang pag-amin niya sa YouLOL Originals vodcast na Your Honor sa video below. RELATED CONTENT: POOH, MAY INAMIN SA FAST TALK WITH BOY ABUNDA.