Ikinuwento ng seasoned actress na si Gladys Reyes na isa siyang fan at tagasubaybay ng GMA family drama na Pulang Araw, na pinagbidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Kabilang din sa cast si Dennis Trillo in a very special role.Sa recent YouTube vlog ng Cruz vs.
Cruz star, isa sa mga celebrities na masaya niyang nakakwentuhan ay ang Asia's Multimedia Star na si Alden. Sa kanilang pag-uusap, nabanggit ni Gladys na isa siya sa mga sumusubaybay sa Pulang Araw. Bumilib din ang Primera Kontrabida sa husay ng pag-arte ng Sparkle star sa nasabing serye.
“Isa ako sa viewer and fan ng Pulang Araw. Congrats! Alam mo, iba't ibang levels ng acting 'yung pinakita mo doon, grabe,” aniya.Pag-amin naman ni Alden, naging challenging para sa kanya ito dahil aniya'y nag-overlap ang taping niya sa Pulang Araw at sa pelikula niyang Hello, Love, Again, kung saan nakasama niya ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.
“Actually, that was quite difficult din po for me because as I was doing it, naka-overlap siya sa shoot ng Hello, Love, Again. So I had to stop taping for Pulang Araw and then kailangan ko pong lumipad ng Canada to do Hello, Love, Again."And then, pagbalik dito tinuloy ko po 'yung Pulang Araw towards its finale.
It's quite taxing but, I think, what really matters is the effect it had on the viewers,” pagbabahagi niya.Ayon kay Alden, maraming eye-openers at kapupulutan ng maraming aral ang Pulang Araw.Patuloy niya, “I think it's a very relevant project to do because it annotates what really happened during the World War 2 in the Philippines, during the Japanese occupation.
And maraming eye-openers, maraming natutunan ang mga manonood natin."Even my youngest sister na Gen-Z, sobrang na-open 'yung mata because I think marami sa atin, especially with the generation right now, ay nakalimutan na at naririnig na lamang sa kwento ng ating mga lolo't lola, or all the people that had lived during that time.”Dagdag pa ng aktor, isang malaking karangalan at pribilehiyo na naging bahagi siya ng Pulang Araw at aniya'y mahalaga na maibahagi ito sa viewers dahil parte ito ng kasaysayan ng bansa.
“I'm very honored and privileged to have been part of this beautiful and relevant project kasi kailangan siyang ikwento. Kailangan siyang ibahagi sa mga manonood because it's part of our history and kung anumang freedom ang mayroon tayo ngayon at nararanasan natin ngayon, we owe it to the people who endured and survived World War 2,” saad niya.Panoorin ang buong vlog ni Gladys Reyes sa video sa ibaba.
Samantala, bibida si Gladys Reyes sa upcoming GMA drama series na Cruz vs. Cruz..
Entertainment
Gladys Reyes, hanga sa husay ni Alden Richards sa 'Pulang Araw'

Ayon kay 'Cruz vs. Cruz' star Gladys Reyes, isa siyang fan at sumubaybay sa GMA family drama na 'Pulang Araw.'