Naibsan ang pagiging homesick ni Gabbi Garcia habang work trip niya sa Japan matapos silang mag-reunite ng kaniyang nobyong si Khalil Ramos. Sa kaniyang Instagram, na iniulat din sa Balitanghali nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Gabbi ang bonding nila ni Khalil sa Tokyo. "[B]arely two days together in [J]apan, but the food trip? [M]andatory," caption ng Kapuso It Girl.
Well-deserved treat ito kay Gabbi dahil sa walang tigil niyang grind bilang host ng PBB, Amelie sa "Slay," at Alena sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre." Magbabalik din si Gabbi bilang host sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2025 sa Mayo. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News.
Entertainment
Gabbi Garcia na nasa Japan work trip, reunited sa nobyong si Khalil Ramos
_2025_04_16_09_46_29.jpg)
Naibsan ang pagiging homesick ni Gabbi Garcia habang work trip niya sa Japan matapos silang mag-reunite ng kaniyang nobyong si Khalil Ramos.