Sa unang pagkakataon, magkakasamang bibida ang Legaspi family na sina Carmina Villarroel, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, at Zoren Legaspi sa upcoming afternoon drama series na Hating Kapatid. Muling mapapanood ang seasoned actress na si Carmina Villarroel sa GMA Afternoon Prime. Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ni Carmina na challenging daw para sa kanyang pamilya ang Hating Kapatid.
“First time namin na iiyak kami as a family. Sabi ko nga opposite e kasi in real life, alam mo 'yung magaan lang, tawanan lang, kulitan. Ito 'yung talagang 'yung puro mga iyakan, confrontations.
It's going to be challenging for all of us,” kwento niya. All-smiles at glowing ang Sparkle actress na si Cassy Legaspi sa naganap ng story conference ng Hating Kapatid. Sa interview ng GMANetwork.
com kay Cassy Legaspi, excited at grateful siyang makatrabaho ang kanyang pamilya sa isang drama series. “I think it's going to be very interesting kasi pati ako, I'm not sure how it's going to go, but I'm excited and I'm very, very grateful,” anang Sparkle star. Kaabang-abang ang karakter na bibigyang-buhay ng Sparkle actor at host na si Mavy Legaspi sa Hating Kapatid.
Excited nang makasama ni Mavy Legaspi ang kanyang mga magulang at kambal na si Cassy sa Hating Kapatid. Aniya sa GMANetwork.com, “I'm very excited na makakasama ko 'yung pamilya ko because they bring out the best in me.
So I'm excited to show the best in me sa mga Kapuso viewers natin.” Ano kaya ang bagong karakter na gagampanan ni Zoren Legaspi sa Hating Kapatid? Ayon kay Zoren Legaspi, wala nang awkwardness sa pagitan nila ng kanyang pamilya sa set dahil open sila sa mga anak. “Napag-isip-isip ko na na hindi kasi as they age, 'yung naging teenagers sila, naging open kami sa isa't isa,” pagbabahagi ni Zoren sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel.
Kabilang ang versatile actress na si Valerie Concepcion sa stellar cast ng Hating Kapatid. Napanood na ang celebrity mom sa ilang GMA drama series tulad ng The Seed of Love at Raising Mamay. Mapapanood ang aktor na si Leandro Baldemor sa Hating Kapatid.
Makakasama sa star-studded cast ang aktres na si Mel Kimura. Ang Hating Kapatid ay sa ilalim ng direksyon ni Adolf Alix Jr. Mapapanood ang Hating Kapatid, soon sa GMA Afternoon Prime.
.
Entertainment
First look at the cast of upcoming GMA drama series 'Hating Kapatid'

Isa sa mga bagong handog ng GMA ngayong taon ay ang upcoming afternoon drama series na Hating Kapatid.Naganap ang story conference para sa nasabing afternoon drama series kamakailan at nagsama-sama rito ang stellar cast at ang ilang bahagi ng creative team.Ang Hating Kapatid ay pagbibidahan nina Carmina Villarroel, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, at Zoren Legaspi.Kabilang din sa cast ng serye sina Valerie Concepcion, Leandro Baldemor, Glenda Garcia, Mel Kimura, Cheska Fausto.Silipin ang naganap na story conference ng Hating Kapatid sa gallery na ito.